Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagbabagang Belle Douleur nina Mylene at Kit, palabas na sa mga sinehan sa August 14

MARAMING papuri ang natatanggap ng pelikulang Belle Douleur na opisyal na entry sa 2019 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. Very soon ay mapapanood na ng mas maraming Pinoy ang pinakamainit na pag-iibigan sa big screen ngayong taon na ipalalabas sa mga sinehan sa buong bansa simula 14 Agosto.

Pinag­bi­bidahan ng multi-awarded actress na si Mylene Dizon at ng hottest young actor ngayon na si Kit Thompson, ang Belle Douleur ang unang pelikulang idinirek ni Atty. Joji Alonso matapos siyang makilala sa pagpoprodyus ng mga pelikula sa Quantum Films.

Ginagampanan ni Mylene si Elizabeth, isang 45 anyos career woman na kontento nang mabuhay mag-isa at hindi na nag-asawa pa.

Tapos pu­ma­naw ng kanyang ina, kukumbin­sihin siya ng mga kaibigan na gumawa ng hindi niya pa nasu­subukan. Maki­kilala niya si Josh (Kit), isang kolektor ng mga antique items na 20 taon ang kabataan sa kanya. Sa kabi­la ng agwat sa edad, matutu­tuhan nilang mahalin ang isa’t isa at matuturuan ni Josh si Elizabeth na hindi pa huli para umibig.

Ngunit maaaring mapanganib ang nabuo nilang relasyon dahil may mga pangarap pa si Josh na ayaw nang pakialaman ni Elizabeth.

Ang “Belle Douleur” ay ipinrodyus ng Quantum Films at iWant. Mapapanood na ito sa mga sinehan sa buong bansa simula 14 Agosto.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …