Monday , November 25 2024

Claire Ruiz, bilib sa husay ni Michael de Mesa sa pelikulang Marineros

ANG Kapamilya actress na si Claire Ruiz ay isa sa tampok sa pelikulang Marineros ni Direk Anthony Hernandez. Hatid ng Golden Tiger Films, tampok dito ang veteran actor na si Michael de Mesa, with Ahron Villena, Valerie Concepcion, Claire Ruiz, Jon Lucas, Jef Gaitan, Moses Loyola, Paul Hernandez, at iba pa. Ang pelikula ay showing na sa September 20, nationwide.

Ipinahayag ni Claire ang pagkabilib sa veteran actor na si Michael de Mesa na gumaganap na ama niya sa pelikulang ito na ukol sa mga seaman o seafarer.

“Ako po rito si Karen, ang bunsong anak ni Direk Michael de Mesa. Basically, ako po iyong nag-alaga sa kanya habang ang dalawa kong kapatid ay nagtatrabaho sa barko,” esplika ng talented na aktres.

Heavy drama ang eksena nila rito ni Michael at dito nakita ni Claire kung gaano kahusay at ka-professional ang isa sa bituin ng top rating TV series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Esplika niya, “My scene with Direk Michael was really heavy but I don’t wanna spoil it, hahaha! What happened was, it went really smooth kasi the moment he gets to the set, in character na talaga siya agad. The scene was… he was gonna get mad at me and iiyak ako, naiyak na talaga ako sa galit niya cause it seemed so raw and real.”

Nakangiting sa­ad ni Claire, “Ang sarap po niyang katrabaho. He is really humble, knowing na he’s been in the industry for quite a while already. Halos take one lahat, ganoon po kagaling si Direk Michael.”

Thankful din siya sa kanilang direktor dito. “Kay Direk Anthony naman, he never fails to give my roles the “highlights,” he gives me my moments which I really love! Fourth film ko na po kay Direk Anthony ‘yung Marineros. First was Buhay Nanay, then iyong Surrogate Mother, and No Read, No Write.”

Pinuri ni Direk Anthony ang mga artista ng Marineros. ”Saludo ako sa galing ng lahat ng actors ko sa movie na ito. Happy kami sa naging resulta ng film, sa galing na lang ni direk Michael de Mesa ay talagang madadala ka sa mga eksena. Sobrang nakaiiyak ang movie kaya sa moviegoers, magdala po kayo ng pamunas ng luha. Magkakaroon po kami ng premiere night on Sept. 15 at SM Manila at ang regular showing nito ay sa September 20, sa mga sinehan nationwide.

“Kaya ang lahat ng mga seaman, seafarers, maritime students… manood po kayo ng Marineros, para sa inyo po ang movie na ito at para sa lahat,” wika ni direk Anthony.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *