Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vandolph, papetiks-petiks; Tsansang maging VM, malabo

ISANG may katungkulan sa media bureau ng Office of the Paranaque City Mayor ang nakahuntahan namin kamakailan.

Iisa pala ang pinanggagalingan naming asosasyon ng mga beat reporter na nagkokober noon ng Pasay City. Sa anibersaryo ng grupong ‘yon kami nagkakuwentuhan.

Naitanong namin sa kanya ang tsansa ni Vandolph who’s now serving as Paranaque Councilor sa ikalawa nitong termino in case tumakbo itong Vice mayor after his next term.

Anito, may tulog daw ang anak ng nasirang Comedy King at Alma Moreno batay na rin sa kawalan ng impressive nitong performance.

Pero tiyak na kung name recall ang pagbabasehan ay ito ang magsisilbing edge o bentahe nito. Isinahalimbawa ng aming kausap ang misis ni Vandolph na si Jenny na nanalong barangay chairwoman all because nakaangkla ang pangalan nito sa isang Quizon.

Magsilbi sanang maagang panawagan ito kay Vandolph para pag-ibayuhin ang kanyang kandidatura by 2025 when he will have served his third and last term as alderman (that is, kung ngingitian siya ng kapalaran sa 2022).

Sa madaling salita, magtrabaho siya’t huwag magpapetiks-petiks.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …