Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanya Lopez, excited makatrabaho si Nora Aunor

AMINADO ang Kapuso actress na si Sanya Lopez na magkahalong kaba at excitement ang naramdaman nang nalamang makakatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor para sa pelikulang Isa Pang Bahaghari. Ito ang unang pagkakataon na makakasama ni Sanya ang premyadong aktress.

Ayon kay Sanya, isang malaking karangalan sa kanya na makatrabaho ang People’s National Artist dahil noon pa niya ito pinangarap.

Pag-amin ni Sanya, “Umpisa pa lang talaga sobrang na-excite po ako at hindi po ako makapaniwala untill now. Kinakabahan din ako kasi alam kong maga­ling siyang umarte, alam kong magagaling lahat ng kasama ko… So, magkahalong kaba at takot po… pero nang magsama kami ni Ms. Nora sa storycon ay naging at ease na po ako sa kanya. Ang bait-bait po niya kasi. Kaya I’m very grateful talaga na maging part ng pelikulang ito.”

Pahabol pa ng aktres, “Sa ngayon ay binasa ko muna po ang buong script at napakaganda ng kabuuan ng istorya. Kahit ‘yung mga eksena po namin ni Ms. Nora ay matitindi dahil ang role po namin ay mag-ina kaya madalas po kaming magkaeksena rito.”

Gagampanan ni Sanya ang role ni Dolly, ang pinaka-batang anak nina Nora at Phillip Salvador sa naturang pelikula.

Mula sa pamamahala ng batikang direktor na si Joel Lamangan, tampok din dito sina Michael de Mesa, Zanjoe Marudo, Sanya Lopez, Joseph Marco, Albie Casiño, Maris Racal, Migs Almendras, Lloyd Samartino, Hero Bautista, Fanny Serrano, Jim Pebanco, Shido Roxas, Marie Preizer, at iba pa.

Ang Isa Pang Bahaghari ang ika-anim na pelikula nina Direk Joel at Ms. Aunor. Ang unang tandem nila ay sa The Flor Contemplacion Story, na sinundan ng Mu­ling Umawit ang PusoBakit May Kahapon Pa, Sidhi, at Hustisya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …