REFRESHING na pinagsamang comedy, drama, action, na may Pinoy surfing at beach culture ang bagong handog ng Regal Entertainment kasama ang Epicmedia at Hooq, ang pelikulang Mina-Anud na nagtatampok kina Dennis Trillo, Jerald Napoles, at Matteo Guidicelli na idinirehe ni Kerwin Go at mapapanood na sa Agosto 21.
Ang Mina-Anud ay line-produce ni Bianca Balbuena-Liew, recipient ng 2017 Asia Pacific Screen Awards at FIAPF—International Federation of Film Producers Award bilang pagkilala sa marami niyang kontribusyon sa development ng Asia Pacific Film Industry. Ang Mina-Anud ay winner ng Basecamp Colour Prize at isa sa dalawang proyektong nai-pitch sa Singapore’s Southeast Asia Film Financing Forum noong 2017. Kaya naman natanong si Ms. Bianca kung paano niya nakumbinseng i-finance ng Singapore ang paggawa ng pelikulang Mina-Anud.
Ani Bianca, ”Actually we didn’t have the problem in pitching it to the Singapores’s Southeast Asia Film Financing Forum because Kerwin is a very smooth talking and he know’s his thing and very confident and that’s also the reason why we won the Basecamp award because it’s not only an important film but it’s also of his confidence and convince that he really full it of. And then that’s where we met Ms Roselle in Singapore and we convince her also.”
At sa tanong kung paanong nakumbinse ni Ms. Bianca ang Regal na i-distribute ang pelikulang anito, ”They actually produce and distribute this and I’m so surprise. They’ve been very supportive and they really let these boys that can be, parang ganoon.”
Isa si Ms Bianca sa namili ng mga bibidang actor sa pelikula. Napili niya si Dennis dahil matagal na nilang gustong makatrabaho ito. ”He’s one of the great understated actor here in the Philippines. And Jerald because he’s so good looking, he’s really my crush. Ibang Jerald naman ang makikita ninyo rito. He’s a comedian but when he does the dramatic scenes it’s really tagos.”
Paliwanag naman ni Ms. Roselle Monteverde ng Regal, nakumbinse silang i-distribute ang pelikula dahil, ”Actually there was no convincing that happened, more on I’ll listen to the story when I was there in Singapore kasi ano ‘yun eh, maraming ibang producers, when she pitched it to me, apparently, I love the concept, I love the story, very relevant, it’s so now, so I said I wanted to produce like that and nangyari ito sa Pilipinas so why not, ‘di ba? It’s a very serious matter and the way she said it tuwang-tuwa ako kasi its parang surreal lang na may ganoon palang nangyari na parang ang mga tao rito sa Pilipinas hindi alam kung ano talaga ang nangyari roon sa mga inanod ng cocaine.
“So when they told me the story, sobra akong natuwa sa kuwento niya, kaya ito na ang pelikula, napakagandang pelikula, perfect cast pa. I’m very happy and proud of this movie,” paliwanag ni Roselle.
Sa parte naman ng Hooq, sinabi ni Jeffrey Remigio, content and programing head ng Hooq na naroon sila bilang partner ng Mina-Anud. Alam naman nating nakikipag-partner sila sa mga ilang studios, other independent film producers, at filmmakers. ”Were always looking for a movie or a project where we can put the Hoog brand. And Regal was a great partner eversince we start operations in the Philippines and when Roselle and I spoke about the movie she sent me the story,and we agreed agad.”
Samantala, napili ang Mina-Anud bilang Closing Film sa Cinemalaya 2019 at mapapanood sa mga sinehan sa Agosto 21.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio