Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja, wa ker kung supporting lang kay Janella — It’s her time to shine

NAHIRAPANG tumanggi ni Maja Salvador sa bagong inialok na project ng ABS-CBN sa kanya, ang The Killer Bride na mapapanood simula Lunes, August 12, sa Kapamilya Network.

Ani Maja, nakatitiyak siyang malalampasan ng The Killer Bride ang magandang nagawa ng Wild Flower dahil sa ganda ng kuwento at sa magagaling na kasama.

“Naging successful ang ‘Wild Flower’ hindi lang dahil sa akin kundi dahil sa aking mga kasama, mga bigating kasama. At noong nabuo na itong cast namin lalong nagkaroon ng butterfly sa aking tiyan. Sobrang na-excite ako at alam kong iba rin ang maibibigay nitong ‘The Killer Bride,’”paliwanag ng aktres.

Sa isyung support lang siya ni Janella Salvador, isa lang ang masasabi ni Maja, ” I don’t mind kung maging support ako. Kasi maganda ‘yung kuwento ng ‘The Killer Bride.’ Kung minsan hindi mo naman kailangang pumili ng role, gawin mo lang ng maayos and kung makatutulong, ikagaganda ng kuwento, bakit hindi?

“And masaya ako for Janella, kasi it’s her time to shine. Time niya ngayon at sobrang ganda ng ‘The Killer Bride’ at excited ako sa kung ano ang ipakikita ni Janella,” giit pa ni Maja.

Pagmamahal at takot ang magpapaikot sa mundo ng apat na taong naghahanap ng hustisya para sa pinatay na pag-ibig sa pag-uumpisa ng inaabangang Kapamilya seryeng The Killer Bride.

Sa seryeng ito unang magsasama sa telebisyon sina Maja at Janella, na makakatambal nila sa unang pagkakataon sina Geoff Eigenmann at Joshua Garcia.

Si Maja si Camila Dela Torre, isang babaeng kilala sa ganda, talino, at busilak na puso. Gaganap naman si Geoff bilang si Vito Dela Cuesta, ang lalaking magpapa-ibig kay Camila. Marami ang susubok sa kanilang pagmamahalan pero lalaban sila at magpapasyang magpakasal.  Ngunit isang eskandalo ang gugulat sa lahat dahil sa araw ng kasal ng dalawa, makikita si Camila na duguan sa tabi ng bangkay ng kapatid ni Vito na si Javier. Dito siya kasusuklaman ng lahat at babansagang “KillerBride.” Kalaunan, mamamatay ito matapos masunog ang kulungang kinalalagyan.

Magiging malaking usap-usapan sa Las Espadas ang “killer bride” at kakalat ang haka-haka na may nakikita ang mga residente na babaeng duguan at naka-belong pangkasal. Magkakatotoo ang hiwagang ito sa pagdating ni Emma (Janella), ang babaeng magsasabing sumapi sa kanya ang kaluluwa ni Camila.

Marami ang magdududa kay Emma, at isa na rito si Elias (Joshua), isa sa mga tauhan ni Vito. Dahil sa utang na loob sa mga Dela Cuesta, gagawin niya ang lahat para proteksiyonan si Vito mula kay Emma, lalo na’t sinasabi nitong sumasapi sa kanya ang kaluluwa ni Camila.

Kasama rin sa The Killer Bride sina Dominic Ochoa, Loren Burgos, Alexa Ilacad, Eric Nicolas, Keanna Reeves, Eddie Gutierrez, Aurora Sevilla, Cris Villanueva, James Blanco, Lara Quigaman, Ariella Arida, at Sam Concepcion.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …