Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cuckoo nina Direk Romm at Jay-R, finalist sa filmfest sa Portugal

PASOK ang pelikulang Cuckoo ni Direk Romm Burlat as finalist sa Festival Internacional Cinema Figueira de Foz sa Portugal para sa taong ito na magaganap from September 5-10. Ang pelikula ay kuwento ng mapait na kasaysayan ng lalaking si Leandro na humantong sa pagkabaliw, bunsod ng sinapit na trahedya nang barilin sa harap niya ang kanyang ina. Dahil dito ay naging masalimuot ang buhay niya na nagresulta ng malagim na katapusan.

Bida sa Cuckoo si Jay-R Ramos na isang contract artist ng Viva Films at apat na beses nang nanalo ng Best Actor award sa ilang indie filmfest. Grand finalist din siya sa BidaMan ng It’s Showtime gamit ang tunay na pangalan na Ron Macapagal. Leading lady dito ni Jay-R si Daphne Zuñiga, na apo ni Nonoy Zuñiga.

“I feel blessed. God is really good,” saad ni Jay-R ukol sa blessings na dumarating sa kanya. Sinabi rin ng aktor ang role sa Mam­mangi. “Isa ako sa tatlong magkakapatid na naanod ng baha. I got adopted by an engineer kaya naging engineer din ako.”

Bago ang karangalang ito, ang Cuckoo ay shortlisted sa Cine Filipino. Ito ang 6th movie ni Direk Romm na naging finalists sa international film festival. Nauna rito ang Beki’t Ako na nakasama sa Top 10 sa TQU Queer Film Festival at finalist sa Shanghai Pride Film Festival. Ang kanyang Ama Ka Ng Anak Mo at Akay ay finalists din sa We Care Film Festival sa New Delhi, India at sa London Lift-Off Film Festival kasama ang dalawang pelikula niya, ang Balikuko at Sindi.

Katatapos lang gawin ni Direk Romm ang advocacy film na Mammangi: Abot Kamay Ang Pangarap na kinunan pa sa City of Ilagan sa Isabela. Ang ibig sabihin ng mammangi ay corn farmers, dahil ang Ilagan ay corn capital ng Filipinas. Tampok sa Mammangi sina Jay-R, Jayve Diaz, Kenn Barrica, Jhane Santiaguel, Seika Samonte, Romm Burlat, at Mr. Ricky Laggui bilang Mayor Diaz. May special screening ito sa 1st city of Ilagan Short Film Festival na gaganapin sa Community Center ng Ilagan sa August 9.

Maraming tinatapos na pelikula si Direk Romm, isa sa dapat abangan ang Bakit Nasa Huli Ang Simula, na first starring role ng beauty queen-turned actress na si Ms. Faye Tangonan, with William Martinez, Lance Raymundo, Jay-R, Lester Paul, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …