Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, ‘di dapat nang-iisnab ng trabaho

MALAKING bagay para sa sinumang artista ang mapabilang sa taunang Metro Manila Film Festival.

Maihahalintulad namin ito sa eleksiyon sa barangay na kinamamatayang salihan.

Balita ngang si Bela Padilla na ang opisyal na makakasama ni Aga Muhlach sa Miracle in Cell #7, replacing Nadine Lustre. At ang ibinigay na dahilan ng pag-back out ng Viva artist at two-time Best Actress ay dahil “quota” na siya sa sunod-sunod niyang trabaho.

Alam naming may saturation point ang sinumang artista. Tao sila’t hindi makinang walang kapaguran. At kung nagbe-break down nga ang makina, tao pa kaya?

Ang hindi naming sukat maintintihan kay Nadine ay ang limitado niyang perspektibo sa trabaho. Paano pa kung nakatengga lang siya’t walang ginagawa, hindi ba’t karekla-reklamo ‘yon?

Nadine should treat every assignment coming her way as a blessing.

Hindi porke’t kahilera na niya ang mga mahuhusay na aktres sa bansa—to think na bata pa siya—ay can afford na niyang mang-isnab ng trabaho.

Working during Christmas time may be depriving. Sino ba naman din kasi ang gustong sumabak sa sobrang trabaho sa panahong dapat ay iginugugol sa pamilya, sa pagsa-shopping ng mga regalo, sa bakasyon marahil sa ibang bansa para pansamantalang makapagpahinga?

While Bela is a good choice, malayo ang estado nila ni Nadine, in the sense that mukhang wala pang nagagawang blockbuster na pelikula ang una.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …