AYAW magsalita ng tapos ni Marco Gumabao kung in the near future ay magagawa niyang mag-frontal nudity sa isang magandang proyekto lalo na’t carry na niyang magpa-sexy at magpaka-daring sa pelikula, teleserye at sa print ads.
Tsika nito sa mediacon ng pelikulang Just A Stranger kabituin si Anne Curtis, ilang beses din siyang nagpakita ng skin sa seryeng Los Bastardos at nag-brief na rin siya sa print ads ng Bench at ngayon ay super sexy at daring siya sa movie nila ni Anne.
Kaya naman ayaw niyang magsalita ng tapos, katulad ng daddy niya (Dennis Roldan) na nagpa sexy din noong kabataan nito, ‘yun nga lang mas mapangahas at mas natapang ang kanyang daddy.
Ang Just A Stranger ay kuwento ng isang babaeng may asawa pero nagkaroon ng relasyon sa lalaking mas bata sa kanya nang magbakasyon sa Portugal at ipinagpatuloy nang bumalik sila ng Manila. Ang Just A Stranger ay mapapanood sa August 21, 2019 na idinirehe ni Jason Paul Laxamana.
MATABIL
ni John Fontanilla