‘VIRAL’ sa social media ang issue tungkol sa Iloilo International Airport (IIA) bilang transhipment point daw para sa illegal tourist workers.
Sa isang post sa FB ni Jalilo Dela Torre, isang lawyer at anti-human trafficking campaigner, iniulat na limang Pinay ang stranded sa bansang Turkey matapos lumapit at humingi ng tulong sa embahada.
Matapos ang imbestigasyon sa kanila, napag-alaman, sa Iloilo International Airport dumaan o isinalya ang mga biktima.
Wala rin silang naipakitang Overseas Employment Contract (OEC).
Ayon sa kanilang salaysay, sila ay ni-recruit ng kompanyang H & L na nakabase sa Hong Kong na pag-aari ng isang nagngangalang Natalie.
Ito ay nakompirma matapos ‘tumuga’ ang isang kontak mula sa Russia at nagsabi na pangkaraniwang dumaraan sa Singapore at Hong Kong ang mga na-recruit bago lumundag sa kanilang destinasyon sa middle east o Turkey?!
Susmaryosep!
Kawawa naman ang mga nabibiktimang Pinay!
Noong mga nakaraan, ilang babaeng overseas Filipino workers (OFWs) din ang nasakote sa Singapore na nakitaan ng visa patungong Lebanon.
Isa rin ang bansang Lebanon sa may existing deployment ban kaya talagang ipinagbabawal sa mga Pinoy ang magpunta sa nasabing bansa!
Alam naman ng lahat na may bagong hepe ang IIA at imposible naman na may basbas niya ang nangyayari sa kanyang jurisdiction.
Basta ang alam lang ng lahat, maraming pasaway na immigration officers sa airport na ‘yan at kinakailangan siguro na pagbakasyonin muna sila sa malalayong lugar para matauhan?!
So sad naman para sa bagong hepe ng IIA kung patuloy lang siyang palulusutan ng mga tao niya.
What do you think, SOJ Menardo Guevarra?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap