Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ara, tutok sa negosyo; lovelife, pinababayaan

KINAKALIMUTAN nga muna yatang talaga ng aktres na si Ara Mina ang mga bagay na may kinalaman sa love!

Kamakailan ay nagbukas na naman siya ng kung ika-ilang branch ng kanyang Hazelberry cupcakes. Na nagsimula lang sa pagsubok niya na makagawa ng nausong red velvet cakes.

“Aminado ako, ang hirap talaga mag-bake Tita Pi. Pero tiniyaga ko talaga siya. Kasi kailangan umalsa. May mga experiment din. Nag-aral na ako ng Culinary. Pero iba ang dating sa akin ng pag-bake ng cake. And noong malaman ko na how it is done, ayan! Cake decorating naman ang pinagbubutihan ko. Kasi marami na ring orders.”

Pero sa kabila ng pagiging abala niya sa kusina o kaya eh, sa mga puwesto na itinitinda her now famous Hazelberry cakes, hindi naman pinababayaan ni Ara ang kanyang looks.

Going strong ang nauna niyang negosyo sa pagpapaganda, ang Ara’s Secrets na naging Pure Glowat nag-e-evolve every now and then.

At dumating sa buhay niya ang matagal na niyang kakilala at kaibigan na si Dioceldo Sy. Ito lang naman ang negosyante sa likod ng Ever Bilena. Na 36 taon na palang namama­yagpag sa merkado.

“Ang plano sana namin ni Boss Deo was to collaborate para sa Ara’s Secrets ko. Natigil ang planning namin doon. ‘Yun naman pala, may iba kaming gagawin. For nine months ng extensive planning, research, innovation, heto na ang Ara Colours. My own line-up ng beauty products. Lipstick muna and then susunod na ang iba pang kailangan nating mga girl sa mukha.”

Natutuwa nga si Boss Deo niya kay Ara.

“She’s very hands-on sa gusto niya sa ginagawa niya. From the font na gagamitin sa pangalan ng produkto niya, even in naming the colors of the lipsticks. Iniba niya. Names of her favorite countries na napuntahan na niya at pupuntahan pa. Pati sa pagsubok sa colors, sa scents hanggang sa packaging, siya mismo ang sumubok. Talagang kita mo ang passion niya in what she does!”

At inilunsad na nga sa Luxent Hotel ang bago niyang baby. Na dinaluhan ng mga celebrity sissies niya like Diana Zubiri, Jaycee Parker, Phoebe Walker, Sugar Mercado, Patricia Javier, Gladys Reyes, Alynna Velasquez, at Barbie Imperial. Dumalo rin ang kapatid niyang si Cris Mathay with partner Rikki (nee Kwek).

Tuwang-tuwa ang suppliers na dumalo sa grand launch ng #effortlesslybeautiful na #AraColoursPH na mabibili na sa Lazada, Shopee, at lahat ng Ever Bilena Direct Sales outlets nationwide.

Ang sorpresa nina Boss Deo and brother Siliman Sy kay Ara ay ang nagkakatukan at nanliligaw ng resellers sa opisina nila para mas mapalaganap pa ito sa mainstream market.

So, paano na ba ang mga nagtatangkang manligaw sa Mommy ni Mandy? Kung ganitong cashing-cashing ang tunog ng tagumpay para sa aktres?

Mahaba-haba na nga ba ang pila? Kailan sila papansinin ni Ara?

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …