Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rosanna Roces

Rosanna Roces hindi naharang ng power tripper na si Lolita Solis sa ABS-CBN (Sa GMA lang may power)

IT’S Rosanna Roces victory again, palibhasa mahusay umarte ay nabigyan uli ng pagkakataon na maipakita sa lahat sa “Los Bastardos” na ang katulad niya ay hindi dapat namamahinga sa showbiz.

At dito ay wala nang nagawa ang former manager ni Osang na si Lolita Solis na mahilig mag-power trip at ginamit talaga ang lahat ng connections para mamatay ang career ng nakaalitang dating alaga na nakasama niya sa Startalk at goldmine noon ng Seiko Films ni Boss Robbie Tan.

Sa GMA lang malakas si Lolita at hindi niya nagawang harangin ang career ni Osang sa Kapamilya network.

Ngayon after ng Los Bastardos ay in-demand na naman ang showbiz career ni Osang na kasama sa pelikulang “Panti Sisters” isa sa official entries sa Pista Ng Pelikulang Pilipino at may isa pa siyang entry rito.

Pasok na rin ang award-winning actress sa bagong teleserye ni Sylvia Sanchez na “Pamilya Ko.”

Nang aming maka-chat si Osang, ay masaya niyang ibinalita na malapit na siyang mapanood sa Bagman 2 ni Arjo Atayde at regular siya at maganda raw ang role niya sa digital series na ito ng Dreamscape Entertaiment na soon ay inyo nang mapapanood sa iWant.

Bukod diyan, may tatlo pang indie films, na offer kay Osang.

Well, tama ang kasabihang “you cannot put a good actress down” like Rosanna Roces.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …