Sa recent mediacon ng Mina-Anud, excited ang cast sa pangunguna ni Dennis Trillo at Jerald Napoles na maipalabas sila sa darating na Sabado, 10 Agosto sa Cinemalaya Film Festival 2019, bilang closing film at sa cinemas nationwide sa August 21.
At very proud na inihayag ni Dennis na sobra siyang proud sa proyektong ito at nakagawa siya ng hindi lang quality film kundi makabuluhang pelikula.
Ang Mina-Anud ay nanalo sa Basecamp Colour Prize sa Singapore’s Southeast Asia Film Financing (SAFF) Forum noong 2017. Excited sina Dennis Trillo, Jerald Napoles at Matteo Guidicelli na lead actors ng pelikula na maipalabas ang movie dahil true story ito.
Nangyari ang kuwento noong 2009 sa Eastern Samar, na natagpuan nilang inaanod ang mga bag na may lamang droga (cocaine). Gagampanan ni Dennis ang karakter ni Ding, unofficial leader ng Borongan Surfers, family man, part-time van driver, at childhood friend ni Carlo (Jerald Napoles).
Asawa ni Ding si Gina (Dionne Monsanto) na pinaghihinalaang nangangaliwa dahil siya ang bumubuhay sa kanilang pamilya. Si Jerald naman bilang si Carlo ang pinakamahusay na surfer sa nasabing lugar at planong sumali sa international surfing contest at kapag nanalo ay pakakasalan niya ang kanyang banyagang girlfriend.
Dahil parehong mahirap, nang makakita sila ng droga ay natukso silang ibenta imbes isuko sa mga awtoridad.
Sabi ni Dennis, “Gusto kong gumawa ng ganitong film, totoo, matapang, para ito sa mga taong naghahanap ng iba, ‘yung mga hinahanap nila sa online (Netflix), kaya natin ibigay, sana panoorin nila sa big screen.
“Ito ang mga pelikulang masarap panoorin sa sinehan dahil maganda ang quality, maganda ang story, masayang panoorin kasama ng barkada. Mas maa-appreciate at malaking pelikula ito.”
Dumaan sa audition si Jerald para makuha ang role na Carlo, “Nag-audition ako rito, maraming nag-audition because the story is inspired by true events. Nabanggit na sa ‘kin ito noon ni Direk Kerwin, tapos biglang gagawin na pala talaga ni Regal and Epicmedia.
“Hindi ako nagdalawang isip na mag-audition para makuha ang role. Hanggang ngayon may mga kaibigan ako sa industriya na nagsasabing, hoy, gusto kong gumawa ng ganyang film.
“Kasi very interesting talaga ito. Siyempre ginalingan namin lahat dito para maikuwento nang maganda ang story. Totoong istorya na dapat makita ng mga tao sa sinehan,” pahayag ni Jerald.
Gaganap bilang Paul si Matteo, isang aspiring celebrity at TV show host na nagsu-supply ng party drugs sa showbiz circles.
“I’m so happy to be part of the film. The Filipinos deserve to see this film. Sana they give us a chance to entertain them and inform them at the same time. I am thankful na makapagbigay kami ng ganitong klaseng kuwento,” lahad ni Matteo.
Kuwento naman ni Direk Kerwin, “I was there and witnessed this first hand. The characters in the film are all based on friends and acquaintances who gave in to the temptation of easy money. Some made it out with their wallets heavier, some weren’t lucky and would up in jail. Ang iba pang kasama sa Mina-Anud ay sina Alvin Anson, Mara Lopez, Anthony Falcon, Marc Felix, Lou Veloso, Richard Manabat, Dionne Monsanto, Elia Ilano, Lui Manansala, at Luke Landrigan.
Para sa updates, follow Regal Entertainment Inc on Facebook, @ RegalFilms on Twitter, @RegalFilms50 on IG and Regal Cinema channel on Youtube.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma