Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PPP mall shows at campus tours sa Cebu ngayong August 2 na

Good news, Cebuanos! Ngayong August, puwede nang makita ang paborito mong Pista ng Pelikulang Pilipino  (PPP) 2019 artists at ipakita ang buong suporta sa kanila! Sisimulan na ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang PPP mall shows at campus tours sa Cebu. Huwag palampasin ang chance na maki-jam sa “LSS (Last Song Syndrome)” artists na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos at maki-selfie kasama ang stars ng “G!” na sina McCoy de Leon, Mark Oblea, at Paulo Angeles sa 2 Agosto 2019 sa University of San Jose-Recoletos, 10:00 am at Robinson’s Galleria Cebu, 4:00 pm. Makakasama na rin ng fans ang kanilang PPP 2019 idols sa SM City Cebu sa 3 Agosto 2019, 4:00 pm, kasama sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos mula sa “LSS (Last Song Syndrome),” ang “The Panti Sisters” actor na si Christian Bables, at si Mark Oblea mula sa “G!” Ang team ng Sine Kabataan 2019 finalist naman na “Pinggu, Pwede Na?” ng Cebu-based filmmakers na sina Elle Ubas and Johanna Valdez ay lalahok din sa PPP 2019 mall shows at campus tours sa Cebu.

Samantala, mabibigyan din ng pagkakataon ang mga taga-Davao at mga taga-Pampanga na maka-interact ang kanilang PPP 2019 idols. Magkakaroon ng mall shows at campus tours sa Davao mula 9-10 Agosto 2019 at sa Pampanga sa 17 Agosto 2019. Sa ikatlo nitong taon, ang PPP 2019 ay may temang “Pamilya, Pagka­kai­bigan, Pag-ibig” na magiging isang-linggong pagdiriwang ng exclusive na quality at diverse na pelikula mula 13-19 Setyembre 2019.

Ang PPP 2019 ang magiging grand kickoff para sa Sandaan: ang ika-Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino. Ang PPP 2019 ay hatid ng FDCP sa pakikipagtulungan kasama ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) at sponsored ng CMB Film Services. Ang iba pang sponsors ay Fire and Ice Productions, ThinkBIT Solutions, at media partners na Inquirer.net, InqPOP!, at Solar Entertainment.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …