Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paul Hernandez, biggest break ang pelikulang Marineros

AMINADO ang newbie actor na si Paul Hernandez na masaya siya sa nangyayari sa kanyang showbiz career. Siya ay 19 years old, tubong Cebu at nag-aaral sa North Eastern Cebu Colleges ng kursong Business Administration.

Mapapanood siya sa advocacy film na Marineros ng Golden Tiger Films mula sa pamamahala ni Direk Anthony Hernandez. Ito’y tinatampukan ng veteran actor na si Michael de Mesa, kasama sina Ahron Villena, Valerie Concepcion, Claire Ruiz, Jon Lucas, Jef Gaitan, Alvin Nakasi, Moses Loyola, at iba pa.

Bago ito, nakalabas na rin si Paul sa short film sa Cebu titled Nueva Oro at indie film na One Silent Morning directed by Anthony Her­nandez.

“Talagang sobrang happy, kaya ‘di ko ma-explain kung paano ako mag­papasalamat kay direk An­tho­ny sa mga ibinibigay niya sa aking project. Pati parents ko, sobrang proud at happy and nagpapasalamat sila kay Direk Anthony,” saad ni Paul.

Inusisa namin ang role niya sa Marineros? “Sa movie, ako po si Kelvin, bunsong anak na lalaki ni Mr. Michael de Mesa, na black sheep ng family. Bale ang work ko rito ay waiter sa isang luxury liner,” aniya.

Madalas daw niyang kaeksena rito sina Jeff at Direk Anthony. Pero, kina­bahan ba siya nang naka­eksena si Michael? “Natural po may kaba, kasi veteran actor iyon e, tapos ako ay baguhan lang. So, may time na kinabahan talaga ako, pero inalalayan niya po ako. Mabait si Direk Michael.”

Ipinahayag ni Direk Anthony ang pagkabilib sa husay ni Paul bilang actor.

“Napahanga ako ni Paul Hernandez sa galing ng pagganap sa character niya as Kelvin Marisol. Lalo na sa eksena namin na kinunan sa Hong Kong na gumanap ako bilang Marigold, isang performer sa cruise ship. Si Paul, marunong siyang makipagsabayan sa mga kaeksena niya, malayo ang mararating niya.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …