NAWINDANG to the max ang mga co-star sa isang seksing aktres-aktresan nang minsang utusan nito ang kanyang PA (production assistant).
Naganap ang insidenteng ito habang nasa taping break ng isang programa.
Pasigaw daw na tinawag ng hitad ang kanyang dyulalay, “’Day, maghanap ka nga ng pinakamalapit na drugstore dito’t ibili mo ako ng condom. After ng taping, magkikita kami ng dyowa ko!”
Natigilan daw ang lahat ng mga nakarinig sa sinabi ng aktres, gayong puwedeng-puwede naman daw na tinawag niya ang kanyang PA at ibinulong ang iniuutos.
Syonga na lang ang hindi mag-iisip kung para saan ang pinabibiling condom ng sexy star na itago na lang natin sa alyas na Kimono Domino, na mula’t sapul ay tsaka na ang imahe sa showbiz.
(Ronnie Carrasco III)