Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora, nagpatutsada kina Boyet at Tirso

TILA nagpatutsada ang premyadong aktres na si Ms. Nora Aunor nang usisain kung ano ang reaction niya dahil sina Christopher de Leon at Tirso Cruz III ay hindi nagawa ang pelikulang Isa Pang Bahaghari ng Heaven’s Best Entertain­ment.

“Ay, naku… siguro naman, may edad na tayo para riyan para pag-usapan natin… Bahala sila kung ano iyong… ibigay na natin sa kanila kung ano ‘yung desisyon nila, kasi, above naman sa atin iyan. Kanya-kanyang pananaw sa buhay, kaya hayaan na natin sila,” esplika niya.

Hirit pa ng Superstar, “At natutuwa naman ako dahil sa… iyong mga… si Kuya Ipe saka si Michael ay ‘di hamak na magaga­ling na artista na makakasama ko ngayon!”

Nagpasalamat din siya sa mga nasa likod ng pelikulang ito sa pagbibigay sa kanya ng isang magandang proyekto.

“Sa totoo lang ako ay nagpapasalamat sa Heavens Best at kay direk Joel sa pagbibigay ng proyektong ito. Binigyan ako ng magandang istorya at hindi basta-basta ang mga makakasama ko sa movie lalo na ‘yung mga kabataang artista na magiging mga anak ko,” sambit ni Ms. Aunor.

Nagbigay nang kaunting patikim si Direk Joel sa bago niyang pelikula.

“Si Nora rito ang trabaho, nagpapatuyo ng isda para maging daing. We found a beautiful village sa Cavite na ganoon ang trabaho ng mga tao. Ang ganda ng location, virgin pa at ngayon lang may magsu-shoot doon. Kahit tungkol sa mahihirap ang movie namin, we want the set to be light and not depressing para hindi masabing this is another poverty porn.”

Ano’ng masasabi niya na muli silang magkakatrabaho ni Nora? “It’s always a pleasure working with her kasi si Nora Aunor is just like wine. Habang tumatagal, lalong sumasarap. Dito sa Isa Pang Bahaghari mas masarap pang Nora Aunor ang mapapanood ninyo,” wika ni Direk Joel na planong isali sa darating na Metro Manila Film Festival ang naturang pelikula.

Bukod kina Guy, Ipe, at Michael, tampok din dito sina Zanjoe Marudo, Sanya Lopez, Joseph Marco, Albie Casiño, Maris Racal, Migs Almendras, Lloyd Samartino, Hero Bautista, Fanny Serrano, Jim Pebanco, Shido Roxas, Marie Preizer, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …