EMOTIONAL si Mylene Dizon dahil kung makailang beses kasing sinabi sa kanya ng direktor/producer na si Atty. Joji Alonso na siya talaga ang tamang aktres sa karakter na gusto nito sa Belle Douleur.
Kuwento ni Mylene, hindi siya tinantanan ng direktor/producer hangga’t hindi napapa-oo para sa proyekto.
“Mylene was my only choice. Yes, there was no other choice. Kasi I saw Elizabeth (the woman) on her. When I was conceptualizing the material, siya ‘yung nasa isip ko.
“Number 1, she’s a very good actress. Ang galing-galing niyang artista as in wala akong masabi. Hindi ako mahihirapan as a director kugn magaling ang artista, ‘di ba? Plus she exuded everything that Elizabeth was in the story.
Kay Kit Thompson naman siya nahirapan. “Si Kit ang medyo mahirap kasi kailangan ko ng bata. Kailangan way younger half the age of Mylene. In fact, when we shot the film, Kit was 21 and Mylene was 44 so less that half?
“So kailangan bata, may hitsura kasi why would a 45—in my story, she’s just 45—why would a 45- year old, single was resolved to remain single for the rest of her life, fall for this guy kung walang hitsura? Siyempre kailangan yummy plus marunong umarte,” paliwanag mabuti ni Atty. Joji.
Dumaan sa isang sensuality workshop sina Mylene at Kit bago sinimulan ang shooting at may nakita ang direktora sa dalawa. “May fire! Sobrang ano ‘yung physical ano nila eh. Bagay na bagay silang dalawa. When you watch them on film, you’d wish they end up together.”
Magkakaroon ng gala screening ang Belle Douleur sa Agosto 3 sa CCP Main Theater at mapapanood ito sa selected cinemas.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio