Friday , December 27 2024

Direk Coloma, hanga sa galing nina Kelvin at Kenken

SOBRA-SOBRA ang paghanga ni Direk Rey Coloma sa mga bidang artista niya sa The Fate na sina Kelvin MirandaKenken Nuyad, at Elaiza Jane. Ito ang ikalawang pelikula ni Direk Coloma na handog ng Star Film Entertainment Production at mapapanood na sa Agosto 25.

Ani Direk Coloma, ”Napaka- natural umarte ang mga bida po rito, na-impress ka sa kanila, dahil mahusay at madaling katrabaho.”

Kapansin-pansing malakas ang dating sa mga international film festival ng mga pelikula ni Direk Rey. Tulad ng una niyang pelikula, ang Lampitao na nagwagi ng 15 tropeo sa isang International Film Festival. Nakuha nito ang Best Picture, Best Screenplay, Best Musical Score, Best Cinematography, Best Production Design, Best Actor, at Best Actress. Kinilala rin ito sa North Luzon Cinema Lab, Claveria Cagayan Short Film Festival  sa Claveria Cagayan Valley.

Kaya hindi nakapagtataka kung pagkatiwalaan siya ng executive producer ng Star Films Entertainment Productions na si Ms. Elenita Tamisin dahil maganda ang record ni Direk Coloma.

Ang The Fate ay ukol sa dalawang hindi mapaghiwalay na magkakapatid, sina Karl at Eric, na nagsisikap mabuhay sa kanilang sarili matapos mapatay ang kanilang ama. Bata pa lang ay iniwan na sila ng kanilang ina. Si Karl ay nakatir kasama ang kanyang maliit na kapatid na si Eric sa mga lansangan at nabubuhay sila sa pagbebenta ng mga plastik at bote. Ang isang video ni Karl na kumakanta ay naging viral na humantong sa pagkakilala nila ni Eloisa. Ang kanilang relasyon ay humantong sa mga hindi inaasahang pangyayari na magbabago sa kanilang buhay magpakailanman.

Kasama rin sa pelikula sina Akihiro BlancoGaye PiccioJohn Matthew UyLewis SimpsonGab LopezCris BaculaAtheena Santamaria, with JC Montecarlo, Jethany Miranda, at Ryan Arizala. Introducing naman sina Aaron Concepcion at Ejay Fontanilla at may special participation si Christian Vasquez.

Ang The Fate ay entry sa Urduja Film Festival, Inding Indie Film Festival, at sa Mindanao Film Festival.

Si Direk Coloma ay isang baguhang Ilocano filmmaker na nagtrabaho bilang model, product endorser, stage-film-TV character actor, production manager, acting coach, at director. Nagkaroon siya ng kaalaman sa pagdidirehe nang kumuha ng acting course sa Talent Factory Inc. & Artist Playground and filmmaking sa North Luzon Cinema Guild Inc. Natapos niya ang kanyang unang pelikulang Lampitao para sa GAOD Productionsnoong 2018.

Ayon kay Direk Coloma, ang Lampitao ay isang short film ukol sa, ”heart breaking Ilocano showcasing the beauty of the town Claveria and the lifestyle of the fisher folks. It was inspired by a father having a strong faith and a hopeless daughter love story. Despite of the hardships of her father, he just did everything to sustain their needs. Unfortunately, the daughter just gives up but her memories remain in her father’s heart.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *