Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bela, excited, ‘wa ker kung 2nd choice; mga huling tagpo sa SAM, nakaiiyak

WALONG araw na lang ang aabangang mga tagpo sa huling linggo ng Sino Ang May Sala? Mea Culpa na talaga namang kaabang-abang lalo’t nagkakalaglagan na ang magkakaibigan. Nagtatrayduran na sina Jodi Sta. Maria, Sandino Martin, Ivana Alawi, Toni Labrusca, Ketchup Eusebio, Kit Thompson, at Bela Padilla para malaman kung sino nga ba ang pumatay kay Bogs.

Ani Bela, nakaiiyak ang mga huling tagpo sa SAM kaya kailangang pakatutukan ng viewers.

Nakita na natin kung paanong buong tapang na ipinaglaban ni Fina (Jodi) ang mga kaso niya laban sa mga Montelibano at nanganganib ding madamay ang reporter at nanay ni Juris (Bela) na si Dolores (Agot Isidro), kumbinsido si Lolita (Ivana) na minamanipula sila ni Juris, samantalang naniniwala si Gaylord (Santino) na hinding-hindi magagawa ng kaibigan ang pumatay ng kapwa kaibigan.

Sa kabilang banda, maligaya si Bela na napunta sa kanya ang role ni Nadine Lustre sa Miracle Cell No 7 na entry ng Viva Entertainment sa Metro Manila Film Festival 2019.

“I’m very happy to take over the role,” turing ni Bella sa blogcon ng SAM kahapon ng hapon. ”I’m used to doing this naman. Im aware na hindi naman tayo laging first choice for a  project. But as a fan of Korean shows and movies I’m very excited to be given a chance to try and portray a character.”

Sinabi pa ni Bela na nakatanggap siya ng tawag mula sa isa sa boss ng Viva, si Vincent del Rosario habang siya’y nasa beach. ”He asked me if I was willing to take on the role kahit na it was offered to Nadine. I usually don’t have qualms about something like that so…”

Naikuwento ni Bela na kung makailang uli na niyang napanood ang Miracle Cell No 7 at plano niyang panoorin uli ito bago siya magsimula ng shoot.

Mensahe naman ni Bela kay Nadine sa tinuran nitong okey na okey na siya ang pumalit sa kanya dahil intelihente siya, ”thank you so much Nadine. I’ very happy to take this off to your hand since I know you cant commit right now.

“Sana magkatrabaho rin kami soon and whatever shes going through at this point in her life she goes through well and easily.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …