Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Atty. Joji, kinabahan sa maiinit na eksena nina Mylene at Kit

AMINADO si Atty Joji Villanueva Alonso na kinabahan siya sa paggawa ng mga lovescene nina Mylene Dizon at Kit Thompson, unang full length movie direction niya, ang Belle Douleur (Beautiful Pain) na handog ng kanyang Quantum Films Inc., at isa sa entry ng Cinemalaya 2019 na mapapanood ngayong Agosto.

Tatlo ang lovescene na kinunan at ginawa ni Atty. Joji na aniya’y, “each love scene has a story to tell. Hindi ko siya ginawa para lang mapahubad ang mga tao.

“In fact, Kit—sabi ko, mag-cover tayo, maglalagay tayo ng cover-cover. ‘Direk okey lang ako na wala, sabi sa akin ni Kit. Pero sabi ko, ‘wag mong gawin ‘yan. Malayo pa ang mararaming mo bata, huwag mong ipakita lahat. Ako pa ang nagsabi and which is true,” sambit ng lawyer-producer.

Kabado si Atty. Joji dahil paliwanag niya, “nirerespeto ko ang mga artista. Mataas ang respeto ko sa kanila. Kaya iniingatan ko sila.

“Sa tatlong lovescene, lahat iyon may rason kung bakit ko ginawa. ‘Yung last lovescene, is a representation of freedom kaya may nudity,” sambit pa ng abogadong-direktor.

Sa paggawa naman ng Belle Douleur, sinabi ng direktor na, “It’s a poignant film about a human being who tries to get out of a—paano ko ba ilalagay—shell that society had put that person. I’m not even referring to her as a woman, it’s a person.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …