MATAGAL nang wish ni Anne Curtis na gumawa ng pelikulang ang tema ay May-December affair kaya naman malaki ang pasasalamat niya na dumating ang Just A Stranger na ang tema ay ukol sa mapusok na relasyon ng babaeng mas malaki ang agwat na edad sa lalaki.
Ilang nag-aalab na eksena ang mapapanood kina Anne at Marco Gumabao ngunit iginiit ng direktor nitong si Jason Paul Laxamana na hindi layunin ng pelikula na i-romantacize ang illicit affair o pagtataksil.
Anang direktor, ipakikita ng mas malalim ang personal na buhay ng mga karakter para maipakita ang rason sa likod ng kanilang mga aksiyon. Sa kabila ng kanilang ugnayan, mapaninindigan ba nila ang mga paniwala sa mga katagang: Not your friend. Not your lover. Just a stranger.
Gagampanan ni Anne si Mae, na nasa mid-30s, may asawang negosyante (Edu Manzano) na walang oras sa kanya. Habang nagbabakasyon sa Lisbon, Portugal, doon nailala si Jericho, 19, anak ng Philippine ambassador. Umaapaw ang sex appeal ni Jericho at charming personality ngunit kulang sa maturity. Bagamat may GF, si Febbie (Jas Rodriguez) mas na-excite kay Anne.
Sa Agosto 21 mapapanood ang Just A Stranger sa mga sinehan nationwide na handog ng Viva Films.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio