Saturday , November 23 2024
LTO LTFRB

LTFRB & LTO chiefs Delgra & Galvante dapat manguna sa lifestyle check

DAHIL nagsusulong ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte ng imbestigasyon laban sa korupsiyon sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, heto na, umasta na rin ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sila ay sumusunod sa atas.

Mantakin ninyong naglabas ng memorandum na isasailalim umano sa lifestyle check ang mga empleyado ng LTO at LTFRB?!

Hindi nga?!

Tell that to the marines, LTO chief, Assistance Secretary Edgar Galvante and LTFRB chief Martin Delgra III!

Kung seryoso ang dalawang hepe sa nasabing ahensiya na sumunod sa atas ng Pangulo, dapat pangunahan nila ang lifestyle check.

Ibig sabihin, unahin nilang isalang ang mga sarili nila sa lifestyle check!

Ang lakas ng loob ng dalawang hepe ng mga ahensiyang nagbibigay ng sobra-sobrang kunsumisyon sa transport sector.

Kailan kaya mararamdaman ni Pangulong Digong na ‘yang dalawang ahensiyang ‘yan — ang LTFRB at LTO — ay kabilang sa mga nagpapahirap sa maliliit na mamamayan sa transport sector.

Mukhang ‘mahaba rin ang pisi’ ng pinag­hihiraman ng kapal ng mukha nitong sina Delgra at Galvante kaya hanggang ngayon ay naririyan pa rin sila.

Wala naman tayong mahihitang delicadeza sa dalawa kaya hindi sila magbibitiw sa kanilang mga puwesto.                         

Sabi ni Galvante, “We fully embrace trans­parency, just as we fully exert our efforts to rid the LTO of corrupt officials and employees.”

E ‘di unahin mong ipa-lifestyle check ang sarili mo, LTO chief Galvante!

Si Delgra naman daw, ini-reshuffle daw ang mga cashier sa LTFRB Central Office.

E si Delgra, kailan naman niya isasalang sa lifestyle check ang sarili niya?!

Sige nga, tingnan nga natin kung totoo ang mga ‘press release’ ninyo?

Abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *