Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris Aquino, kinompirmang tuloy sa MMFF entry horror movie na K(Ampon)

THREE days ago pagkalapag sa NAIA airport kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby ay agad na nag-live sa kanyang Facebook si Kris Aquino para sagutin at bigyang linaw ang mga haka-hakang dahil sa health condition ay papalitan na siya ng ibang actress sa K(Ampon) na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2019.

Ayon kay Kris, kaya raw sila nagbakasyon ng kanyang kids sa ibang bansa ay upang makapagpahinga dahil ngayong buwan ay magiging abala na siya sa gagawing proyekto at sa August 11, araw ng look test niya tapos start na sila ng shooting ng K(Ampon) sa Aug 13. Sa kanyang Facebook Live ay hindi binanggit ni Kris kung si Derek Ramsay pa rin ba ang kanyang leading man o baka pinalitan na ng ibang actor ng kanilang producer na si Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films.

At dahil tuloy si Kris sa pagbibidahan niyang horror film, amoy na magi­ging palaban siya sa fes­tival. Remember, hanggang ngayon ay si Kris pa rin ang may hawak ng tronong “Horror Queen” sa pelikulang lokal.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …