Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko Melendez, marunong tumupad sa pangako sa mga taga-Zambales

NAKATUTUWANG malaman na may mga taga-showbiz na kayang panindigan ang kanilang salita. Isa na rito ang award-winning actress na si Aiko Melendez.

Naka-chat namin si Ms. Aiko kahapon at nalaman naming papunta siya sa Subic dahil may mga constituent ang kanyang BF na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun na kailangan niyang bisitahin at tulungan.

“May dadalawin kaming mga bata na may sakit,” panimula ni Ms. Aiko. Dagdag niya, “Ako lang, dadalaw ako and magpapakain, simple gesture lang…”

Part ba ito ng pagmamahal niya sa Zambales at pagsukli sa overwhelming support na ibinigay nila sa aktres at VG Jay noong last election?

“Yes po kuya, nakapangako ako na dadalawin ko po sila kung wala akong ganap. Tinutupad ko lang po ang pangako ko, hindi kami tulad ng iba na after election ay wala na po,” wika pa ng aktres na kagagaling lang sa sakit.

Samantala, muling mapapanood sa teleserye si Ms. Ako, but this time ay sa GMA-7 naman. Mapapanood ang premyadong aktres sa seryeng Prima Donna at ito ang pagbabalik niya sa Kapuso Network after almost nine years.

Prior to this, ang last project niya sa Siyete ay sa after­noon series na Sine Novela: Basahang Ginto noong 2010. Gumanap siya rito bilang nanay ni Carla Abellana. Ang Basahang Ginto ang naging unang regular daily teleserye rin ng aktres.

Hindi nga maitago ni Ms. Aiko ang excitement sa unang araw ng kanyang taping tulad ng makikita sa kanyang FB post na ito:

“Today marks my first day of work for GMA. Excited with little sleep but, im delighted to be working with direk Gina Alajar. Im sure i will be learning so many acting tips from her. So today, I humbly embrace Kendra as this is my new role, for PRIMA DONNA. So me bago na kayo tatawagin sa akin. KENDRA! Ang aabangan nyo araw araw sa hapon. Expect a different Aiko Melendez. d’þ Mabuhay mga kapuso !!! Salamat Po Lord Jesus kasi lagi magandang role napupunta po sa akin =ØOÞ Im humbled!! Your love is amazing. All for your glory!”]

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …