Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Killer Bride mas matindi kaysa Wildflower, ayon kay Maja Salvador

NEXT month ay nakatakdang ipalabas sa ABS-CBN Primetime Bida ang pinakabago at pinakamalaking teleserye na “Killer Bride” na pagbibidahan nina Maja Salvador, Geoff Eigenmann, Janella Salvador at Joshua Garcia at lampas 22 stars ang bubuo sa seryeng ito na idinirek ni Dado Lumibao. At sa kanilang grand mediacon sinabi ni Maja na mas matindi pa sa pinag-usapan niyang top-rating teleserye na Wildflower ang The Killer Bride.

Marami si­yang mga ek­sena rito na hindi niya nagawa sa dating soap tulad ng pagsakay sa kabayo na naging friend na raw ng actress. Basta kaabang-abang raw talaga ang character niya rito.

Para naman kay Janella, very thankful siya at sa mahigit isang taon niyang pagka­wala sa TV ay nabigyan siya ng ganito kagandang materyal at character.

Iikot ang kuwento ng The Killer Bride sa pagmamahal at takot sa mundo ng apat na taong naghahanap ng hustisya para sa pinatay na pag-ibig sa pag-uumpisa ng inaabangang Kapamilya serye.

Sa seryeng ito unang magsasama sa telebisyon ang dalawang aktres na Salvador na sina Maja at Janella, at makakatambal nila sa unang pagkakataon sina Geoff at Joshua. Mapapanood si Maja sa inaabangang pagbabalik telebisyon niya bilang si Camila Dela Torre, isang babaeng kilala sa ganda, talino, at busilak niyang puso. Gaganap naman si Geoff bilang si Vito Dela Cuesta, ang lalaking magpapaibig kay Camila. Marami ang susubok sa kanilang pagmamahalan pero lalaban sila at magpapasyang magpakasal. Ngunit isang eskandalo ang gugulat sa lahat dahil sa araw ng kasal ng dalawa, makikita si Camila na duguan sa tabi ng bangkay ng kapatid ni Vito na si Javier.

Dito siya kasusuklaman ng lahat at baban­sagang “Killer Bride.” Kalaunan, mama­matay siya matapos masunog ang kulungang kinalalagyan. Magiging malaking usap-usapan sa Las Espadas ang “killer bride” at kakalat ang haka-haka na may nakikita ang mga residente na babaeng duguan at naka-belong pangkasal.

Magkakatotoo ang hiwagang ito sa pagdating ni Emma (Janella), ang babaeng magsasabing sumapi sa kanya ang kaluluwa ni Camila. Marami ang magdududa kay Emma, at isa na rito si Elias (Joshua), isa sa mga tauhan ni Vito. Dahil sa utang na loob sa mga Dela Cuesta, gagawin niya ang lahat upang proteksiyonan si Vito mula kay Emma, lalo na’t sinasabi nitong sumasapi sa kanya ang kaluluwa ni Camila.

Ginagamit nga kaya ni Camila ang katawan ni Emma para sa kanyang paghihiganti kay Vito at sa mga Dela Cuesta? Ano nga ba ang magiging papel ni Elias sa buhay ni Emma?

Kasama rin sa “The Killer Bride” sina Dominic Ochoa, Loren Burgos, Alexa Ilacad, Eric Nicolas, Keanna Reeves, Eddie Gutierrez, Aurora Sevilla, Cris Villanueva, James Blanco, Lara Quigaman, Ariella Arida, at Sam Concepcion. Panoorin ang “The Killer Bride” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa abs-cbn.com/newsroom.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …