Thursday , December 26 2024

Solon exempted pala sa bomb joke pero kapag ordinaryong mamamayan kulong agad sabay sampa ng asunto

KAPAG mambabatas lusot sa butas ng batas pero kapag ordinaryong mamamayan swak agad sa hoyo at may haharapin pang asunto.

Ganyan natin mailalarawan ang tila special treatment ng PNP Aviation Police sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) domestic terminal 2 kay APEC Party-List congressman Sergio Dagooc nitong nakaraang Huwebes ng hapon nang siya ay humirit ng “bomb joke” kaugnay ng kanyang bagahe.

Nakatakdang bumiyahe si ‘tong’ este Cong. Dagooc sa Cagayan de Oro sakay sana ng PAL flight PR2525 dakong 4:40 pm.

Sa PAL check-in counter, sinabi kay Dagooc ng passenger service agent na si Ms. Pearl May Lansang na labis ang kanyang bagahe ng 4 kilos mula sa pinapayagang 7 kilos.

Siyempre hinanapan ng identification card si congressman ng passenger service agent bilang bahagi ng check-in process sabay tanong kug ano ang laman ng kanyang bagahe.

Sinagot ng party-list congressman na mga damit ang laman ng luggage.

Sinundan ito ng tanong na, “Ano  pa po?” na pabirong sinagot ni Dagooc ng “bomba.”

Wattafak!

Ignorante ba sa batas ang mambubutas ‘este ang mambabatas na si Dagooc?

Kaya naman dali-daling ipinaalala ni Lansang sa kanyang supervisor ang insidente.

Agad dinala si Dagooc sa Philippine National Police – Aviation Security Group office para roon imbestigahan.

Pansamantalang pinigil si Dagooc sa tang­gapan ng Aviation police pero dakong 10:40 pm nang araw na iyon ay pinawalan siya ng mga pulis.

Pinawalan si Dagooc ng Aviation police dahil alinsunod umano sa Art. VI, Section 11 ng 1987 Constitution, “(a) senator or member of the House of Representatives shall be in all offenses punish­able by not more than six years imprisonment, be privileged from arrest while the Congress is in session.”

Only in the Philippines lang talaga na ang mga deklaradong batas ay nag-aaway-away sa pagpapakahulugan at pagpapatupad nito.

Samantala, sa Section 1 ng Presidential Decree 1727, sinasabing:  Any person who, by word of mouth or through the use of the mail, telephone, telegraph, printed materials and other instrument or means of communication, willfully makes any threat or maliciously conveys, communicates, transmits, imparts, passes on, or otherwise disseminates false information, knowing the same to be false, concerning an attempt or alleged attempt being made to kill, injure, or intimidate any individual or unlawfully to damage or destroy any building, vehicle, or other real or personal property, by means of explosives, incendiary devices, and other destructive forces of similar nature or characteristics, shall upon conviction be punished with imprisonment of not more than five (5) years, or a fine or not more than forty thousand pesos (P40,000) or both at the discretion of the court having jurisdiction over the offense herein defined and penalized.”

Klaro ‘di ba?

Pero bakit pinawalan ng PNP Aviation police?  

Mismong ang PAL ay kinompirma ang insidenteng kinasasangkutan ni Dagooc. 

Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, naghain sila ng reklamo sa pamamagitan ng kanilang abogado ng  paglabag sa Presidential Decree 1727 (anti-bomb joke law) pero ini-release umano ng PNP Aviation Security Group ang congressman dakong 10:48 pm gamit nga ang rason na isinasaad sa Article 6, Section 11 ng 1987 Constitution.

Hindi natin personal na kilala si Rep. Dagooc, pero klaro sa insidenteng ito na tila may kinikilingan ang batas.

Hindi ba’t hindi iilang ordinaryong overseas Filipino workers (OFWs), turista at simpleng mama­mayan ang nag-bomb joke pero imbes makarating sa bansang patutunguhan sa kala­boso natuloy?

At hindi lang pansamantalang napigil, nasampahan pa ng asunto.

E bakit kapag mambubutas ‘este mamba­batas, carry lang na palayain at huwag sampahan ng asunto?!

‘Yan ba ang eksampol ng mga batas na may tinitingnan at tinititigan?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *