Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
smartcapture

Rhea Tan, malaki ang puso, kapamilya pa ang turing sa mga ambassador

TINATRATONG kapamilya ng BeauteDerm CEO and owner na si Rhea Anicoche-Tan ang lahat ng kanyang ambassadors kaya naman mommy ang turing at tawag ng mga ito sa kanya. Ito ang inilahad ng walong Star Magic artists na sina Carlo Aquino, Ria Atayde, Jane Oineza, Ejay Falcon, Matt Evans, Ryle Santiago, Alex Castro, at Kitkat nang ilunsad sila bilang Beautederm ambassadors noong July 28 sa Seda Vertis North Hotel.

Sabi nga ni Ria, “What’s the best thing about Mommy Rei (palayaw ni Ms. Rhea)—her heart. She’s very supportive. She’s so generous. Parang hindi pa talaga ako endorser pero she already made me feel na I’m already part of the family. Para talaga siyang nanay sa aming ambassadors niya. I’m also very grateful for her love to our family kasi endorser din si Mommy (Sylvia Sanchez) and si Arjo (Atayde).”

“Si Mommy Rei, she treats everybody like a family talaga. Walang favoritism, may pangalan ka man o wala. Basta sa Beautéderm, family kami. Binibigyan niya kami ng iba pang opportunity bukod sa pagiging endorser, hinahayaan niya rin kaming kumita sa pagbibigay sa amin ng sarili naming negosyo,” dagdag ni Alex.

Puring-puri rin nila ang kabaitan at generosity ni Ms. Rhea. Ayon nga kay Ryle, “Si Mommy Rei very generous talaga, ang laki ng puso niya lalo na sa pamilya namin kasi ‘yung buong family namin minahal niya talaga. Kami ni Mommy (Sherilyn Reyes-Tan) kinuha niyang endorsers pero buong family namin talagang Beautederm family. Kaya mahal namin siya.”

“Sobrang blessing si Mommy Rei sa lahat ng mga tao. ‘Pag nagsu-show kami lalo sa mga out of town, makikita mo kung gaano siya ka-love ng mga tao. Sobrang generous niya, sobrang bait niya. ‘Yung blessings na nakukuha niya isini-share niya talaga sa mga tao,” ani Ejay.

Very caring at maalalahanin din si Ms. Rhea. Say ni Kitkat, “Si Mommy Rei multi-tasking ‘yan eh, lahat kaya niyang gawin. At saka sobra siyang maalalahanin, lagi ka niyang kukumustahin. At saka pamilya ang turing niya sa aming lahat.”

Kahit nga ang mga dati pang BeauteDerm ambassadors na sina Carlo at Matt ay matagal nang saksi sa kabutihan ni Ms. Rhea at masaya sila sa tagumpay na tinatamasa ng BeauteDerm ngayon. Say ni Matt, “Three years na ako bilang Beautederm endorser and nakaka-proud na mayroon na tayo ngayong 80 branches and stores. Thank you kay Ms. Rhea dahil bukod sa pagiging endorser ay nabigyan niya rin ako ng sarili kong BeauteDerm store. At saka love na love niya ang buong family namin kaya mahal din namin siya.”

Sabi pa ni Carlo, “Officially two years pa lang ako sa Beautéderm. Pero rati pa akong kinukuha ni Atchi Rei lalo na ‘pag may store openings. Dati na akong mahal niyan kaya hanggang ngayon ibinabalik ko ang pagmamahal niya. Hindi matatawaran ang kabutihan ng puso niya at pagiging generous.”

Kaya naman puno sila ng pasasalamat kay Ms. Rhea sa tiwala at pagmamahal. Bilang bagong ambassador ramdam ito ni Jane, “Thankful ako kay Mommy Rei for trusting me with their brand. At saka may tiwala rin naman ako sa products nila na ginagamit ko rin talaga at hiyang ako. Kaya masaya ako na parte na ako ng pamilya nila.”

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …