Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PRAASA at CLOEPP, binigyang parangal ang mga OFW via OFW, The Movie

MATAGUMPAY ang block screening ng OFW, The Movie last July 19, 2019 sa Cinema 8 & 9 ng SM Manila. Ito’y hatid ng Coalition of Licensed Overseas Employment Provider of the Philippines (CLOEPP), with the cooperation of Philippine Recruitment Agencies Accredited to Saudi Arabia (PRAASA), sa pakikipagtulungan ng Active Media Events Productions’ advocacy film at sa panawagan ng ilang government leaders.

Ayon kina Imee Enriquez, pres. ng PRAASA at Anna Nangan, ginawa nila ito dahil madalas na ang balita sa mga OFW ay negatibo, ukol sa paghihirap, trahedya, at pang-aabuso. Ang OFW, The Movie ay kabaligtaran dahil nagpapakita ito ng mga tagumpay at magandang kapalarang sinapit ng mga OFW na itinuturing ngayon bilang Mga Bagong Bayani ng bansa.

“To reveal the other side of the same coin and show the OFWs’ jour­ney to suc­cess, the film, OFW, The Movie, was conceptualized. It aims to inspire, educate and create awareness about an OFW’s migration process and the general working conditions of various Filipino workers abroad. It is an eye-opener, a guide to decision-making for those who are planning or considering to work overseas,” saad ng mga lider ng grupong ito.

Ayon pa kina Ms. Enriquez at Ms. Nangan, ang mga ganitong pelikula ay isang paraan para bigyan ng tribute ang ating mga OFW. Isa rin itong oportunidad para mala­man ng publiko ang gina­gampanang mahalagang papel ng licensed recruitment agencies sa bawat tagumpay ng mga OFW. “Ang PRAASA at CLOEPP ay hindi lang nandiyan para sa business, ngunit para maka­tulong din na maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga OFW at ng mga pamilya nila at maki­pagtulungan sa pamahalaan para labanan ang illegal recruitment. Pati ang pagbibigay ng legal at marangal na trabaho sa Filipino workers, na tumutulong sa bansa sa pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng remittances ng ating mga bayaning OFW,” esplika pa nila.

Ang OFW, The Movie ni Direk Neal Tan ay tinatampukan nina Sylvia Sanchez, Rafael Rossel, Kakai Bautista, Christian Vazquez, Dianne Medina, Kate Brios, Miggs Cuaderno, Mel Kimura, Ms. Baby Go, at Arnell Ignacio.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …