Sunday , December 29 2024

Kelvin Miranda, bibida sa advocacy film na The Fate

TULOY-TULOY sa paghataw ang career ng guwapitong actor na si Kelvin Miranda. After two years sa showbiz ay bida na ang Kapuso actor via The Fate ni Direk Rey Coloma. Ito’y mula sa Star Films Entertainment Productions ni Ms. Elenita Tamisin at tampok din dito sina Kenken Nuyad at Elaiza Jane.

Sa pang-apat na movie ni Kelvin na Dead Kids ni Direk Mikhail Red ay bida na siya. Sa The Fate ay bida siya ulit, ano ang reaction niya rito?

“Siyempre po’y nakakataba ng puso, kasi may mga tao pong nagtitiwala sa kakayahan ko and sobrang nakakakaba talaga ang maging lead, kasi ay sobrang bigat ng responsibility na ibinigay sa iyo. Na parang kailangan mong mag-focus nang sobra, dahil hindi basta-basta yung roles,” saad ni Kelvin,

So, level-up na ang career niya dahil dalawang sunod na bida na siya sa pelikula? “Sa palagay ko’y ganoon na nga po ang nangyayari, pero hindi ko po iniisip iyon. Parang ang mas iniintindi ko po ay kung ano pa ang mas dapat kong gawin para dire-diretso pa ang career ko at mapabuti ko pa po ang aking trabaho,” aniya pa.

Bakit dapat panoorin ang kanilang movie? “Bilang actor, dapat panoorin iyong movie kasi may moral lesson siya na hindi lang about sa pamilya, talagang matutunan mo kung paano ka dapat tumayo sa sarili mong paa at lumaban sa mga dagok ng buhay. So, sana ma-appreciate ng mga manonood at sana ay maiparamdam namin ang mensaheng gustong ipahatid ng pelikula.”

Ang The Fate ay kuwento ng hindi mapag­hiwalay na magkapatid na sina Karl (Kelvin) at Eric (Kenken), na nag­sisikap mabuhay sa sarili nang namatay ang kanilang ama. Sa pag-iwan ng ina noong bata pa siya, nakatira si Karl kasama ang kanyang maliit na kapatid na si Eric sa mga lansangan at nabuhay  sa pagbebenta ng mga plastik at bote. Ang isang video ni Karl na kumakanta ay naging viral na humantong sa pagkakilala nila ni Eloisa (Elaiza). Ang kanilang relasyon ay hahantong sa mga hindi inaasahang pangyayari na magpa­pabago sa kanilang buhay magpakailanman.

Kasama sa pelikula sina Akihiro Blanco, Gaye Piccio, John Matthew Uy, Lewis Simpson, Gab Lopez, Cris Bacula, Atheena Santamaria, JC Montecarlo, Jethany Miranda, at Ryan Arizala. Introducing sina Aaron Concepcion at Ejay Fontanilla, with the special participation ni Christian Vasquez

Ang The Fate ay entry sa Urduja Film festival, Inding Indie Film Festival, at sa filmfest sa Mindanao. Sa Aug. 25, 2019 ang premiere night nito sa SM Megamall, Cinema 4, 8pm.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Sunshine Cruz Atong Ang

Sunshine lalong bumata at sumeksi, maligaya kay Atong Ang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio FRESHNESS overload. Iba talaga kapag in love. Ito ang nakita …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *