Dream come true para kay Avid Razul ang makagawa ng isang pelikula na masasabing he is the one calling the shots and in control of the movie.
Dahil dito, pinag-ipon-ipon nila ng kanyang mga kaibigan na kinabibilangan nina CPL, LMP, JPL, at Kim Madison, ang kanilang resources at dito nga nabuo ang Magic V Film Production na nag-produce ng indie movie na Lukas.
Honestly speaking, maayos ang direction sa movie at well-acted namang maituturing. Kung ikokompara sa ilang indie movie na gawa ng mga balahurang direktor, commendable naman ang direksiyon ni Lester Dimaranan.
Mahusay rin ang acting ng beteranong character actor na sina Soliman Cruz, Poppo Lontoc, Cloyd Robinson, Rez Cortez at ang mahusay na character actress na si Chanel Latorre at ang kanyang guwapong leading man na si Jao Mapa.
Bagama’t baguhan, hindi rin nagpahuli in her portrayal as Avid’s leading-lady ang magandang si Kim Madison who was photographed so beautifully in the movie.
Pero siyempre ang main bulk ng acting ay manggagaling kay Avid Razul.
Kumbaga, he is the ‘soul’ of the movie and his very moving portrayal of Lukas’ character has made the movie a memorable one.
Binabasa n’yo ito ay magsisimula nang umikot ang Lukas sa mga eskuwelahan in the metropolis and pretty soon, in the provinces as well.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.