Hinahangaan si Claudine Barretto dahil sa kanyang sincere na pakikiramay kay Bea Alonzo, bukod pa sa pag-upload niya on Instagram ng mga pasaring umano sa kanyang nakatatandang kapatid na si Marjorie Barretto.
Ipinarating ni Claudine ang kanyang simpatiya kay Bea sa pamamagitan ng comment na: “[broken heart emoji] you are loved [heart emoji]”
Dahil dito, nagpasalamat ang ilang fans ni Bea sa suportang ibinigay ni Claudine sa kanilang idolo.
Comment ng isang fan, “@claubarretto thanks so much for Bea [face blowing a kiss emoji]”
May ilan din ini-relate ang komento ni Claudine sa kanyang niece na si Julia Baretto, na sinasabing “third party” sa relasyon nina Gerald at Bea.
Bagama’t mum is the word si Bea sa mga comments sa kanyang post, naiparating naman niya sa isang interview ng ABS-CBN news reporter na si MJ Felipe na wala silang formal break-up ni Gerald.
No comment naman sina Gerald at Julia sa mga pasaring ni Bea.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.