Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bossing Vic Sotto at Joey de Leon sumugod at nakisaya sa barangay sa selebrasyon ng 40th anniversary ng Eat Bulaga

Finally, last Saturday ay nakita sa Brgy. N.S Amoranto Quezon City sina Bossing Vic Sotto at Joey de Leon na sumugod at nakisaya sa lahat kasama ng kapwa EB Dabarkads para sa pagdiriwang ng 40th anniversary ng kanilang longest-running noontime variety show na Eat Bulaga.

Sa July 30, ang exact anniversary ng EB pero isang buwan ang ginawang selebrasyon ng show bilang pasasalamat sa lahat ng mga tumangkilik sa kanila mula noong 1979 hanggang sa taong kasalukuyan. Samantala sa rami ng palaro at entertainment, animo’y naging fiesta ang atmosphere sa N.S. Amoranto sa pagsugod ng EB Hosts.

For the first time ay sumama sa sugod-bahay sina Bossing at Joey de Leon kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo at Alden Richards, at kumain din ng street foods, na nakahilera sa kabuuan ng kalye. Sa gitna ng kalye tumawag si Bossing ng contestant para sa sugod-bahay. At sa kauna-unahang pagkakataon, ay tumawag din si Joey ng isa pang contestant. So dalawa ang sugod-bahay winners sa araw na ‘yun. At sobrang lucky ng dalawang napili dahil bukod sa natanggap nilang iba’t ibang regalo at Bossing Savings Bank, ay tumanggap pa sila ng tig-P100K cash. Dahil sa kilalang public service show na rin ang Bulaga nang malaman nina Bossing Vic at Joey na nasunugan ang nasabing barangay, ngayong araw ay magpapadala pa ang Eat Bulaga ng tulong sa kanila.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …