KAYA pala hindi makapagkomento si Nadine Lustre ukol sa Metro Manila Film Festival entry ng Viva Films, na isa siya sa bida, ang Miracle in Cell No. 7, dahil hindi na niya gagawin ito.
Sa public announcement ng Summer MMFF na ginawa kahapon ng hapon, nabanggit ni Noel Ferrer, MMFF spokesperson na hindi na nga si Nadine ang magbibida kundi si Bela Padilla na.
Ayon sa sulat ni Vic del Rosario, president and COO ng Viva Communications Day Inc, na nag-beg off si Nadine dahil sa ‘persistent medical concern and her resulting to inability to perform her duties as an actress during the shoot up to the promotion of the film.’
Nakahihinayang si Nadine. Magandang daan pa naman sana itong pelikulang ito para lalo pa niyang maipakita ang galing sa pag-arte bukod pa sa makakasama niya ang isa sa magagaling na aktor, si Aga Muhlach. (MVN)