Masaya ang buong cast ng advocacy film na “Lukas” sa pangunguna ng lead actor ng movie na si Avid Razul dahil nabigyan ang movie nila ng PG o parental guidance rating ng MTRCB.
Ibig sabihin ay puwedeng mapanood ng bata basta may kasama sa sinehan na guardian. Maganda ang kuwento ng Lukas na ang tema ay mula sa verse sa Bible na Luke 12:30 at kapupulutan ng aral ng lahat. Leading lady rito ni Avid ang magandang aktres na si Kim Madison at matindi rin ang supporting cast ng nasabing indie film na kinabibilangan ng mga premyadong aktor na sina Rez Cortez, Soliman Cruz, Cloyd Robinson, Janice Jurado, Jao Mapa, Channel Latorre.
Magkakaroon ng premiere night ang Lukas sa SM Fairview Cinema 4 ngayong July 27, 7:00 pm na dadaluhan ng buong cast at director ng pelikula na si Lester Dimaranan na sumulat rin ng istorya. Ang Lukas ay produce ng Magic V Film Production nina Avid, Kim, CPL, LMP at ni Ma’am Jhercel Anne Lusaya.
By the way, dating alaga ng namayapang director na si Maryo J. Delos Reyes si Avid Razul.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma