Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis, Jerald, at Matteo, nagtulak ng droga sa Mina-Anud

KAKAIBANG Dennis Trillo ang mapapanood sa pelikulang Mina-Anud na base sa real-life events na nangyari noong 2009 sa Eastern Samar, na ilang bag ng cocaine ang napadpad sa dalam­pasigan ng isang fishing village na nagpabago sa buhay ng mga residente rito.

Tampok dito sina Dennis Trillo, Jerald Napoles, at Matteo Guidicelli.

Gumaganap si Dennis dito bilang isang drug pusher. Siya si Ding, ang leader ng Borongan surfers na isang family man na may isyu sa misis niyang si Gina, na siyang breadwinner sa kanila. Si Jerald naman si Carlo, isa sa pinakamagaling na surfer sa kanilang lugar, ngunit tila laging may kulang sa kanya. Siya ay binatang nangangalaga sa lola niyang may sakit.

Nang napadpad ang droga sa kanilang lugar, natukso silang magbenta ng droga dahil ito na ang pagkakataon para makatikim ng ginhawa sa buhay.

Maituturing itong isa sa most daring role ng actor.

“Gusto kong gumawa ng ganitong film, totoo, matapang, para ito sa mga taong naghahanap ng iba, ‘yung mga hinahanap nila sa online (Netflix), kaya natin ibigay, sana panoorin nila sa big screen. Ito ang mga pelikulang masarap panoorin sa sinehan dahil maganda ang quality, maganda ang story, masayang panoorin kasama ng barkada. Mas maa-appreciate mo at malaking pelikula ito,” sambit ni Dennis.

Mula sa Regal Entertainment Inc. and Epicmedia at sa pamamahala ni Direk Kerwin Go, kasama rin sa cast sina Alvin Anson, Mara Lopez, Anthony Falcon, Marc Felix, Lou Veloso, Richard Manabat, Dionne Monsanto, Elia Ilano, Lui Manansala, Luke Landrigan, at iba pa.

Palabas na ito sa mga sinehan nationwide sa August 21. Ang Mina-Anud ay napili bilang Closing Film sa Cinemalaya 2019 on August 10, at the CCP 9pm.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …