HUMAHATAW ngayon ang ang guwapitong T-Rex artist na si Vance Larena. Mula nang napanood sa Bakwit Boys ay kaliwa’t kanan ang projects niya ngayon.
Kuwento ni Vance, “Ako po’y kabilang sa Nang Ngumiti Ang Langit ng ABS CBN, ito po ay before It’s Showtime ipinapalabas. At kakatapos lang po ng shooting namin for an iWant series na pinamagatang Story of My Life. Kasama ko po rito sina Zaijian Jaranilla, Tart Carlos… directed by Barry Gonzales. Mayroon din po akong mga pelikula na katatapos lang, una po rito ‘yung Open produced by T-Rex Entertainment and Black Sheep, directed by Andoy Ranay, kasama po rito sina Arci Munoz and JC Santos at sina Ms. Ina Raymundo at Ivana Alawi.”
Aniya, “Iyong isa po kay direk Direk Brillante Mendoza, ang title ay Resbak. Kasama ko po sina Nash Aguas, Khalil Ramos, Felix Roco, at Mary Joy Apostol. ‘Yung isa po under the direction of Mikhail Red, produced by Globe Studios – ‘yung Dead Kids po. Kasama ko po roon sina Sue Ramirez, Khalil Ramos ulet, Markus Paterson, Kelvin Miranda, ito po’y heist film, tungkol sa kidnapping.”
Ang Open ay isa sa entries sa darating na 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino Film Festival na magaganap sa Sept. 13-20, 2019 sa buong Metro Manila.
Nang matanong kung naligawan na ng bading, ito ang sagot ni Vance, “Wala pa naman po, ako po’y laking teatro kasi, kaya halos lahat po ng mga kaibigan ko roon ay mga bakla, mga bading. Mayroon naman po kaming mutual respect sa isa’t isa, kaya hindi ko po na-experience ‘yung mga ganoon.”
May nag-offer na ba ng indecent proposal sa kanya, para hindi na siya mag-showbiz? “Wala pa po, sana nga po may mag-offer. Hindi, joke lang!” nakatawang saad ni Vance. Esplika pa niya, “Hindi po, kasi iyong acting para sa akin iyon po ang buhay ko. Hindi ko po siguro kayang ituloy ‘yung purpose ko sa mundo kung hindi po ako aarte.”
What if may TV executive na bading na mag-offer na bigyan ka ng magandang break, pero may kapalit? “Wala pa naman akong nare-receive na ganoon. If in case? E di ano po, tingnan natin, hahahaha!” Pabirong saad ni Vance.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio