AYON sa ating nakalap na report, umabot pala sa kabuuang P400 milyon ang konstruksiyon para sa rehabilitasyon ng Kalibo International Airport (KIA) mula nang ipagawa ang extension nito.
Mula pa noong nakaraang administrasyon na minana ng kasalukuyan ay tila walang nakikitang improvements sa naturang paliparan.
Considering na 3rd busiest airport sa Filipinas ang KIA dahil libo-libong turista ang dumarating araw-araw, pero tila bulag ang mga opisyal ng Civil Airport and Aviation Authority (CAAP) sa pangangailangan ng serbisyo para sa mga pasahero at stakeholders na gumagamit ng naturang airport.
Sonabagan!
E saan napupunta ang kinokolektang terminal fees sa mga pasahero?!
‘Yan ang hindi natin alam!
Sa renovation nga nila para sa international airport ay muli nga bang natengga?!
Mahigit P17 milyon ang inilaaan ng CAAP para riyan pero mahigit isang taon na ang nakalipas ay wala pang kasigurohan kung tatapusin pa ito ng Herbana Builders, Incorporated na inatasang gumawa?!
Sonabagan!
Pati nga raw ibang ahensiya ng gobyerno ay sariling gastos pa nila ang pagpapagawa ng sariling facilities imbes CAAP ang gumawa?!
Anak ng pating naman!
Anong klase ba ‘yan?!
Kung gaano kaganda ang naging renovation sa ibang airports ay tila dedma ang CAAP pati DOTr sa kalagayan ng airport ng KIA?!
So sad talaga!
Kung walang pagbabago, bawasan na lang ang bayad sa terminal fees sa airport na ‘yan dahil masyado nang nakahihiya!
Saan kaya sila nanghihiram ng kapal ng mukha?!
Arayku!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap