Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Migz Coloma excited na sa back to back concert na “a dream come true” (Guwapo na, karisma’y malakas pa)

Maganda ang first experience ng newcomer singer-model na si Migz Coloma sa una niyang performance nang maimbitahan noon sa isang fiesta sa Sta. Mesa, Maynila.

As in biglaan ‘yung guesting niya, pero nagulat siya sa naging response sa kanya ng crowd dahil talagang pinagkagulohan siya habang kinakanta ang hit song ni Inigo Pascual na “Dahil Sa ‘Yo.”

At lalong nagtilian at hiyawan raw ang audience nang kumuha siya ng girl mula sa audience na inalayan niya ng version niya ng “Kung Sakali Man,” na patok na revival song ni Michael Pangilinan.

Since then ay nagkaroon na raw ng confidence sa kanyang sarili si Migz na puwede na pala talaga siyang mag-perform sa harapan ng maraming tao.

At ngayong August 17, 6:00 pm ay mapapanood ninyo si Migz sa back-to-back concert nila ni Mara

Aragon na “A Dream Come True” na gaganapin sa Woorijib Home of Korean Buffet sa Tomas Morato corner Sct. Borromeo.

Magsisilbi rin itong Album Launch ni Migz na lahat ng songs sa kanyang first CD Lite Album ay composed ni Jojo Espino at kakantahin niya ang lahat ng cuts dito tulad ng danceable tagalog songs na “Pag Ika’y Kasama” at “Kayo Naman Bang Dalawa” na K-Pop ang dating at ang Ms. Independent, dalawang cover songs at “Di Na Ako,” na isang potential hit.

Ang nasabing concert ay produced ng M&M Production at gustong pasalamatan ni Migz ang lahat ng involve sa concert nila specially her loving Mommy Juvy Coloma and Daddy Michael na parehong all-out ang support sa kanyang showbiz career.

Very proud din kay Migz ang kanyang Lolang si Marina. Available na ang ticket para sa A Dream Come True concert ni Migz, at ang ticket price ay P1K, included na rito ang inyong masarap na dinner.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …