ANG feeling naman yata nitong si Nadita ‘este Nadine Lustre, porke’t Best Actress awardee na siya ay ka-level na niya sina Kathryn Bernardo at Liza Soberano. Wow, ang lakas ng tama na tanggihan ang isang Aga Muhlach para sa MMFF entry movie sana nila ng mahusay na actor na “Miracle in Cell No. 7.” ‘Yan ang Filipino version ng blockbuster Korean movie.
Ang katuwiran daw kasi ni Nadita ay pagod na siya sa sunod-sunod niyang proyekto kaya’t gusto na raw muna niyang magpahinga. Inirespeto naman ito ng kanyang management na Viva Artists Agency.
Pero sana huwag dumating sa point na dahil sa kaartehan ng hindi naman kagandang aktres ay maging matumal ang dating ng proyekto sa kanya lalo’t amoy na amoy na namin na itong latest movie nila ni Sam Concepcion na “Indak” kundi lalangawin sa takilya ay so-so lang ang magiging kita.
Ano ba kasing mapapanood sa Indak, puro sayawan at kantahan? Kalukrey!
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma