DALAWANG buwan kailangang mamahinga ni Liza Soberano. Ito ang payo ng doctor ni Liza matapos tatlong buwang namalagi sa Amerika para magpagamot ng finger injury.
Kahapon ng umaga, balik-‘Pinas si Liza na mainit na sinalubong ng kanyang fans
Ayon sa interbyu ni MJ Felife, pinagbawalan din si Liza na sumali sa mga sports o kahit anong physical activity.
Sa Setyembre, uumpisahan na niya ang shooting ng kanyang comeback TV series kasama ang boyfriend na si Enrique Gil.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com