Thursday , December 19 2024

Kapwa city executives bilib din kay Mayor Isko

HINDI lang mga mamamayan ang bilib sa performance ni Manila City Mayor Isko Moreno kundi mga kapwa rin niya city executive.

Leading by example nga ang ipinaiiral niya dahil maging ang kauna-unahang babaeng alkalde ng Pasay City ay gumaya na rin sa sinimulan niyang clean-up drive ng mga bangketa.

Sa tindi nga ng impact ng mga ginagawa niya—na hindi nagawa ng mga nakalipas na administrasyon—ay sagana ngayon ang original Tondo boy sa mga death threat.

Hindi na bago ang ganitong pagbabanta. ‘Ika nga, it’s part of the territory, lalo’t sa pagsasagawa ni Mayor Isko ng kanyang mga hakbang ay mga bigating tao lang naman ang kanyang nasasagasaan.

May personal kaming kuwento para susugan ang pahayag ni yorme na talagang hindi naman naghihikahos sa buhay ang mga nangangalakal sa mga bangketa. This is to disprove former MayorErap Estrada’s assertion na kesyo wala ngang pambayad ang mga ito ng buwis sa munisipyo.

Between Erap and Isko, mas naniniwala kami sa huli that the vendors are rich enough to pay tens of thousands of pesos in rights para sa kakapirangot lang na puwesto.

Si Isko ang namuhay nang napakatagal na panahon sa Maynila. Salamat sa kanyang kamusmusan: namasura noon, nagmaneho ng padyak (pedicab), natuto ng lengguwahe, at pamumuhay tulad ng karaniwang Manila Boy exposed to the harsh realities of life.

Si Erap ba’y saan namulat ang kaisipan?

Anyway, bago nagretiro ang aming ina’y nasa treasurer’s office siya. Madaling araw kung maningil siya ng puwesto na diretso sa munisipyo.

Kung bakit madaling araw ay dahil ‘yun ang simula ng hanapbuhay ng mga nagtitinda sa loob ng palengke, sa mga bangketa at sa kung saan-saan.

Saksi rin kami sa kung gaano kayaman ang maraming wet section vendors (sa tuwing nagta-transact kami sa isang banko malapit sa palengke) na kung magdeposito’y bayong-bayong na punumpuno ng peso bills in assorted denominations.

Pero kung sisipatin mo ang kanilang mga hitsura’y sira-sira ang damit at naka-gomang tsinelas lang.

Yes, daig pa nila ang mga nag-oopisina or those in the corporate world whose children they could afford to send to the most expensive schools taking up the most expensive college courses.

Dahil sa kanilang tiyaga’t sipag kung kaya’t they’ve risen above it kung mahirap nga sila.

Now, for the death threats thing.

Sa comment section nga sa post ng aming kaibigan—the current president of a reporters’ association based at the Manila City Hall—ang mga pagbabantang ‘yon sa buhay ni Mayor Isko ay pakana ng kanyang mga kalaban who’ve seen a figurative death sa kanilang mga ilegal na gawain.

Matakot si Isko kung wala siyang mga ganito as it only means he’s simply sitting on his ass.

Sabi nga, hinay-hinay lang daw si Isko sa kanyang pagpapakitang-gilas. Napaghahalata raw kasi ang kawalan ng silbi ng ibang mga city executive na nang maupo’y puro hayahay na lang ang inaatupag.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Yasmien Kurdi Ayesha

Yasmien, Sec Sonny magkikita pambu-bully sa anak pag-uusapan 

HATAWANni Ed de Leon MAKIKIPAGKITA at handang makipagtulungan ang aktres na si Yasmien Kurdi sa DepEd na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *