Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ima, inaya nang magpakasal ng BF model na si Mark Francis

ANG modelong si Mark Francis Canlas at dating West End Ms Saigon Ima Castro ang bagong dagdag sa listahan ng celebrity couples na na-engage ngayong taon.

Noong July 15 ay nag-propose na si Mark Francis kay Ima sa Penthouse ng Privato Hotel Roces Ave. Quezon City sa tulong ng mga malalapit nitong kaibigan na sina Ms Cecille Bravo at Mr Raoul Barbosa.

Ang buong akala ni Ima ay surprise party ni Mark Francis ang kanyang pupuntahan kasama ang Ina ng BF, pero hindi nito alam na siya ang masusorpresa.

Habang kumakanta ito ng Bukas na lang kita Mamahalin ay laking gulat nito nang maglabasan lahat ng tao at niyaya na rin siyang lumabas At dito na niya nakita ang tarpaulin na  may nakasulat na, “Its time for us 2 be together, Will You Marry Me, na naiyak si Ima.

Sabay nito ang paglabas ni Mark na may dalang bouquet of flowers at balloons at nang matapos kumanta ni Ima ay lumapit ang binata at saka iniabot ang dala-dalang bulaklak sabay luhod at abot ng gold diamond ring gayundin ang pagsambit ng Will You Marry Me na sinagot naman ni Ima ng”Yes.”

Ilan sa mga malalapit na kaibigan nina Mark Francis at Ima na sumaksi sa mahalagang gabing iyon sa buhay nina Mark Francis at Ima ay sina Kit KatKaye DacerDouglas Nierras, John NiteDJ Janna Chu ChuTito Ramon (from Taal, Batangas), Mr. Pete Bravo, Ninang Erlinda Sanchez,Rene VismanosRaymund JumaouasRaymund SaulJeru BravoJeffrey DizonSir Ralston SegundoNinong Benjie MontenegroMr and Mrs Paguio Ong (parents ni Daryl Ong).

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …