Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alynna Velasquez, pasok sa Kadenang Ginto

WALA namang kaduda-duda na sa ratings game sa panghapong serye eh, talagang hindi matinag ang labanang Romina at Daniela sa  Kadenang Ginto.

Bawat karakter mula sa mga bida at suporta eh, sinusubaybayan. Gaya ng isang Kim Molina, na ibang-iba rin ang angas.

May mga dumadalaw din sa nasabing serye.

At ang unang proyekto ng singer na si Alynna Velasquez sa bakuran ng management ni Anna Goma ay ang Kadenang Ginto.

“Matagal ko nang pangarap talaga na umarte pa rin kahit pa ang singing ang bread and butter ko. Gusto ko naman itong subukin. Actually at home ako sa comedy dahil na rin siguro sa mga nakakasama ko na in my singing stints. Si Hajji (Alejandro), si Rico J. Si Rey Valera and more.

“Very thankful ako kay Ms. Goma for giving me this chance. Na semi-regular guest sa serye. As the masungit na principal. Happy ako na makilala ang mga bagong sibol na actors in ‘KG.’ Ang huhusay.”

Apart from doing corporate shows, may gigs din si Alynna na roon  natin masusundan para pakinggan at panoorin.

Thursday nights, she shares the stage with Jong Cuenco sa bagong bukas na Dampa sa Greenhills along Santolan in Quezon City. Hindi ito mami-miss dahil nandoon siya sa ibabaw ng San Juan marker before reaching White Cross.

“Dream ko pa rin na makapag-record pa ng mga bagong songs na masusubaybayan din sa different music platforms now. Kaya excited ako sa plans and projects na gagawin ni Ms. Goma para sa akin. Parang nagsisimula lang.”

On her own!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …