NAGPAPASALAMAT naman si Sylvia Sanchez sa nominasyong nakuha niya sa 9th EdukCircle Awards sa kategoryang Best Actress in a Single Drama Performance para sa kanyang mahusay na pagganap sa Red Lipstick episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN.
Post ni Sylvia sa FB, ”Maraming, maraming salamat po @edukcircle awards sa nominasyon, sa tiwalang binigay nyo sa kakayahan ko bilang artista Much appreciated!!!”
Nominated din ang anak ni Sylvia na si Arjo Atayde sa dalawang kategorya—Best Actor in a Single Drama Performance (Korona – MMK) at Best Supporting Actor in a Television Series(The General’s Daughter).
Samantala, nagte-taping na rin si Sylvia para sa kanyang bagong teleserye sa ABS-CBN sa ilalim ngRSB Drama Unit na may working title na Project Kapalaran kasama sina JM de Guzman, Arci Munoz, at Joey Marquez.
PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga