Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, Carlo, Sherilyn, at Ria, naglako ng BeauteDerm sa mall sa Cainta!

MARAMI marahil ang nagulat sa mga shopper ng Robinson’s Cainta nang makita nila rito ang mga sikat na celebrity na sina Sylvia Sanchez, Carlo Aquino, Ria Atayde, at Sherilyn Reyes-Tan na nagbebenta ng BeauteDerm products last July 20.

Nangyari ito matapos ang ginanap na Meet and Greet at pagbubukas ng BeauteDerm store rito.

Sobrang nakatutuwang panoorin na sikat na celebrities ang naglako ng mga BeauteDerm products sa mall. Dito’y naghatid nang matinding saya sina Ms. Sylvia, Carlo, at Ria. Kaya naman sobrang happy ng CEO at President nitong si Ms. Rhea Tan. Pinuri niya ang mga ambassadors/endorsers niya, lalo na si Ms. Sylvia.

“The best na sa aktingan? The best pa sa paglalako! Ubos po ang kanyang paninda! Nagre-ready na siya dahil mag-o-open na rin ang kanyang QC Beautederm Store Yohoo!”

“Hahaahaha idi­naan po niya sa pagiging best actress e.”

Si Ms. Sylvia ang numero unong endor­ser ng BeauteDerm at very vocal siya kung gaano ka-effective na beauty product ito.

Nag-post nang ganito sa kanyang social media account kamakailan ang award winning actress na may sariling store rin sa Butuan City: “Aside from my faith in the products, my favourite thing about Beautederm is that the brand itself has helped me believe in myself — being a face of the brand to becoming a singer, hahaha! Watch episode 8 of my vlog to see behind the scenes of our Beautederm mall show in Subic last June 7, 2019. Thank you for always believing in me and for always making sure I believe in myself as well.”

Nang nakahuntahan naman namin si Ms. Kathryn Ong na isa ring owner ng BeauteDerm store, nabanggit niya ang kaganapan doon. “Naglako talaga sila, hahaha! Umikot sila sa mall para maglako, four teams sila. Si Ms. Sylvia ang pinakamaraming sales. Pati bags naibenta niya yata, not sure. First BeauteDerm store ito ni Isha Alcala, dream come true ito sa kanya.”

Sa July 23 (Tuesday) ay back to back ang pagbubukas ng bagong store ng BeauteDerm sa 329 Mc Arthur Biñang 1st, Bocaue, Bulacan, 11 am, at sa 1683 Gov. F. Halili Ave., Turo, Bocaue, Bulacan, 3 pm naman. Maka­ka­sama rito nina Ms. Sylvia at Carlo sina Jane Oineza, at ang husband and wife tan­dem ni­na Tonton Gu­tier­­rez at Glydel Mercado.

Kaya congrats kay Ms. Rhea dahil bukod sa sunod-sunod na pagbubukas ng bagong store ng BeauteDerm, pati endorsers/ambassadors ay dumarami na rin. Ang bagong nadagdag sa lumalago nilang pamilya ay sina Ken Chan, Ria, Kitkat, Ejay Falcon, Jane, at ang Kapuso teen actress na si Pauline Mendoza.

Kabilang sa endorsers nito sina Marian Rivera, Lorna Tolentino, Arjo Atayde, Matt Evans, Ryle Santiago, Shyr Valdez, Maricel Morales, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Alma Concepcion, Jestoni Alarcon, at iba pa.

Ang product endorsers nito ay sinisiguro ni Ms. Rhea na gumagamit talaga ng kanilang produkto, dahil patunay ito kung gaano kagaling at kaepektibo ang BeauteDerm products.

Base sa FB post ni Ms. Rhea Tan, narito ang mga bagong bukas at bubuksan pa lang na BeauteDerm store: July 20 Robinsons Cainta; July 23 Bocaue Bulacan (2 Stores); July 26 Dau; July 28 Porac Pampanga ( soft Opening); City Mall, Danao City Cebu ( soft Opening); July 30 SM HyperMarket Mandaluyong Morning,

Robinsons Forum afternoon; Sept 8 Fairview Terraces Ayala Mall; Sept 13 Tarlac; Sept 14 Clark; Sept 22 Marquee Mall Ayala; Sept 28 Ayala South Park Mall; Sept 29 two QC Stores #tomoreLivesChanged #RoadTo100 #SpreadBeauté #SpreadLove #ContriBeauté Beautéderm

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …