Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rhea Tan, bumilib sa galing maglako ng paninda ni Sylvia

HUMANGA ang BeauteDerm CEO and owner na si Rhea Anicoche- Tan sa galing maglako at magbenta ng kanilang paninda ang Face of BeauteDerm na si Sylvia Sanchez. Sumabak kasi sa pagtitinda ng  mga produkto si Sylvia kasama ang iba pang ambassadors na sina Carlo Aquino, Sherilyn Reyes-Tan, at ang bagong endorser na ring anak ni Sylvia na si Ria Atayde sa grand opening ng Show Me The Beauty by BeauteDerm sa Robinson’s Cainta noong Sabado, July 20.

Nakasama rin nila ang store owner na si Isha Alcala, Beaute Finds by BeauteDerm owner na siKathryn Ong, at ang BeauteDerm PR na si Chuck Gomez.

Post nga ni Ms. Rhea sa Facebook kasama ng pictures ni Sylvia habang nagtitinda, ”The best na sa aktingan? The best pa sa paglalako! Ubos po ang kanyang paninda!! Nagreready na sya dahil magoopen na din ang kanyang QC Beautederm Store Yohoo!”

Sagot naman ni Sylvia sa FB post niya, ”Bili bili na po kayo ng Beautéderm namin magandaat epektibo po talaga!! Soli bayad pag di ka masasatisfy sa produktong ito”

Masaya nga si Sylvia na tuloy-tuloy ang pagiging endorser niya ng produkto kaya talagang sinisipagan niya ang pag-eendoso nito. ”Happy at kuntento ako sa BeauteDerm. At ipinagmamalaki ko ito kasi talagang ginagamit ko ang mga produkto nila. ‘Yun lang ang ginagamit ko sa aking mukha and makikita niyo naman ang resulta. Kaya kahit 48 na ako, nakatutuwa kapag may nagsasabi na mukha akong bata kaysa edad ko, blooming at fresh pa dahil sa BeauteDerm. Kaya thank you kay Rei-Rei, kay Sam, at sa family nila kasi pamilya na rin ang turingan namin,” sabi ni Sylvia.

Madaragdagan na naman pala ang BeauteDerm store ni Sylvia bukod sa una niyang itinayo sa hometown niya sa Butuan City. At least mas malapit na rin sa kanyang fans at supporters sa Metro Manila dahil sa Quezon City lang ito matatagpuan.

Masipag din si Sylvia na dumalo sa store openings at meet and greet ng BeauteDerm. May sked na naman siya sa July 23 para sa grand opening ng Beaute Options by BeauteDerm sa Bocaue, Bulacan. Makakasama niya rito ang iba pang ambassadors na sina Carlo Aquino, Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, at Jane Oineza.

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …