BILIB tayo kay Pasay City Konsehal Donna Vendivel.
Ang mga lumalapit sa kanyang mga constituent ay hindi kailangan umasa at magmukhang timawa dahil hindi siya politikong paasa.
Hindi gaya ng isang mataas na opisyal diyan sa Pasay na parang orocan sa kaplastikan.
Napakainam sa harapan pero kapag nakatalikod na, nakupo, umaarangkada ang katotohanan.
Lahat ng ipinangako noong nakaraang eleksiyon ay parang ‘tracing paper’ ng isang arkitekto — isang malaking drawing!
Malayong-malayo kay Konsehal Donna Vendivel na kahit mdaling araw ay maaasahan.
‘Yung plastikadang opisyal, nang magbigay ng tulong para sa patay na kapos pa ng P7,500 para sa pampalibing, tumugon naman at tumulong pero nagbalanse pa ng P2,000.
Ano ba ‘yan?!
E sa ibang lungsod nga libre na ang palibing dahil sa mahusay na programa ng mga Yorme.
At heto pa, minsan nag-aabuloy pa ng P200?! Kulang pang pambili ng kape
Wattafak!
Hindi ganyan si Konsehal Donna.
Ibang-iba ang pagkalinga niya sa mga taga-Pasay.
Sabi nga ng mga taga-Pasay, parang si Konsehal Donna ang tunay na ina ng kanilang lungsod.
How sweet naman!
PANAWAGAN AY DIGONG
Mahal na Mayor Duterte,
Ang resulta ng 15 buwan rehabilitasyon ng Boracay, ang ulan ay humalo sa tubig imburnal dahil isang tubo lamang ang kanilang inilagay sa main road at pinakakawalan sa back beach na hindi dumaan sa water treatment facilities, na kasama sa P130 per cubic meter na sinisingil sa mga gumagamit ng tubig sa isla.
Saklolohan po ninyo kami.
— Concerned Boracay residents
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap