ANG bongga naman ng istorya ni Bianca Valerio, social media elite personality, events host, motivational speaker at dating modelo bago niya sinubukan at naging face ng Belo 360° Liposuction.
Tila kinalimutan kasi ni Bianca ang sarili nang biglang pumanaw ang nag-iisa niyang kapatid na lalaki niya noong 2017. Dahil sa pagkalungkot, ibinaling niya ang sakit na nararamdaman sa pagkain.
Dahil apektado mentally at emotionally si Bianca, hindi niya napansin ang pagbabago o paglaki ng katawan. Bagamat bago nangyari ito’y health buff at advocate ng physical wellness si Bianca, maalaga siya sa sarili. Mahilig din siyang mag-tsek ng timbang hanggang sa napansin niya ang malaking pagbabago sa sarili. Nangyari ito nang halos hindi na maskasya ang mga damit niya sa kanya at nadagdagan ng 30 pounds ang timbang sa loob lamang ng isang taon.
Sa wakas, tinugunan niya ang problema. “I acknowledged the problem. I knew I was in a crisis and I had to take control,” aniya. At sinimulan na ang pagpapaganda ng katawan. Nagbalik siya sa paggi-gym at unti-unting nabawasan ang kanyang timbang.
Kasabay ng kanyang balik-alindog program, nagiging positibo na rin ang kanyang pananaw. “I started feeling better in general. Instead of wallowing in pity for myself and my family because of my brother’s loss because he was supposed to be the one to continue the legacy of my parents, I also began to learn life lessons along the way and discover new strengths from within me. I was on the road to recovery and I knew I needed to see this transformation through,” pagbabahagi niya.
Bagamat nabawasan ang timbang, napansin ni Bianca na hindi sumasabay sa pagliit ng katawan ang kanyang tiyan. Malaki pa rin ito. “People think that when you lose weight, you can target a specific spot and make it smaller. That’s not true. I had been working out for so long to make my tummy smaller. But I only managed to make it firmer, lost a few inches of it, but that was it.”
Kaya naman noon naisip ni Bianca na komunsulta kay Dr. Vicki Belo na ngayo’y fairy godmother ang tawag niya. “She’s my answered prayer. She introduced me to Belo 360° Liposuction, a fat removal procedure that’s minimally invasive and less aggressive than traditional liposuction. This consultation led me to my revenge body now,” kuwento ni Bianca na ngayo’y may vital stats na 34 -24- 38.
Alam ni Bianca na si Dr. Belo ang kauna-unahang nag-introduce ng Liposuction sa bansa. At pagkaraan, ang Belo Medical Group din ang nanguna sa pagpapakilala ng Laser Liposuction at ang pinaka-precise 360 degree approach. Ang 360 Degree approach ay napaka-precise na gumagamit ng Smartlipo, ang machine na ginagamitan ng laser energy para i-liquify ang taba bago ito sipsipin. At sa Belo, ang procedure ay ginagawa sa isang circumferential manner, na lahat ng parting nakapalibot sa problem area ay tinatarget din.
Giit ni Dr. Belo, ang 360 degree liposuction ang pinaka-epektiong pamamaraan para maalis ang mga tinatawag na stubborn fat. Inihalintulad nga niya ito sa isang marathon. Kumbaga, Liposuction brings you to 90% of the way the remaining 10% is up to you.
At pinatunayan ito ni Bianca at sinabing, “Belo put the curves on me and then I go to the gym to tone it. I discovered that liposuction together with my workout at the gym makes for a powerful combination.”
Sa paglulunsad kay Bianca bilang endorser ng Belo 360° Liposuction sa Manila House kamakailan, sinabi niyang hindi lamang maganda ang kanyang pakiramdam sa kanyang katawan kundi mas na-appreciate niyang mas mabuti ang buhay.
Aniya, “I feel confident and validated. Why didn’t I do this sooner? But more than that, I found enough encouragement to love myself again, to see myself in a whole new light, and to want to care for myself better. “
Kaya kung gusto ninyong malaman kung paano mababago ang inyong buhay ng Belo 360° Liposuction, tumawag sa 819-BELO (2356)