Thursday , December 26 2024

Alan Peter Cayetano pinili ng mga Filipino bilang susunod na House Speaker ayon sa Pulse Asia

NANG iendoso ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na Speaker ng Camara de los Representantes, lumalabas na si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano rin pala ang pili ng nakararaming Filipino para sa posisyon.

Lumalabas sa mga survey ng Pulse Asia noong 23-27 Marso at 24-30 Hunyo, nakuha ni Cayetano ang nasa kalahati ng mga boto sa kanilang mga poll na malayong-malayo sa iba pang matunog din na pangalan sa pagka-Speaker. 

Sa survey noong Marso, 44 porsiyento ang bomoto para sa dating Senador. Kasunod niya sa listahan sina dating bise presidente Jejomar Binay, 16 porsiyento; dating speaker Pantaleon Alvarez, 12 porsiyento; Rep. Martin Romualdez, 5 porsiyento; at Rep. Lord Allan Velasco, 1 porsiyento.

Kung susuriin, si Cayetano ang pinaboran sa lahat ng socio-economic class — 61 porsiyento sa mga kabilang sa Class ABC, 44 porsiyento sa Class D at 34 porsiyento sa Class E.

Pabor din sa kanyang pagiging House Speaker ang mga Filipino kung susuriin ayon sa kasarian, edad at pinag-aralan.

Sa survey nitong Hunyo, lumaki ang suporta ng mga Filipino kay Cayetano sa 65 porsiyento. Nasa 52 porsiyento ang lamang niya sa pinakamalapit niyang kalaban, si Alvarez (13 porsiyento). Nakakuha ng 8 porsiyento si Romualdez at 6 porsiyento si Velasco. Ang iba ay nakakuha ng 0.1 percent lamang.

Sa survey, nangunang muli si Cayetano sa lahat ng socio-economic class: 66 porsiyento sa Class ABC, 63 porsiyento sa Class D at 71 porsiyento sa Class E. Nanguna rin siya sa geographical areas: 56 porsiyento sa Metro Manila, 68 porsiyento sa Luzon, 64 porsiyento sa Visayas at 65 porsiyento sa Mindanao.

Ang resulta ng mga survey ay nakabase sa panayam sa 1,200 representative adults edad 18 pataas.

Ang survey ay may +-2.8 porsiyentong error margin at 95 porsiyentong confidence level.

Sa larangan ng kakayahan at karanasan, nakaaangat din si Cayetano laban sa iba pang naghahangad maging Speaker.

Ang bagong kinatawan ng Taguig-Pateros na nanalo sa isang landslide victory noong May 13 elections ay may kasanayan sa lokal at pambansang politika.

Siya ay naging konsehal, bise alkalde at three-time congressman. Dalawang beses din siyang naging senador. Dahil dito, kaya niyang maging tulay ng Senado at Kongreso.

Naging miyembro rin ng Gabinete si Cayetano, nangangahulugang kaya niyang pag-ugnayin ang mga lehislatibo at ehekutibong sangay ng gobyerno.

Maaari rin niyang katawanin ang Kongreso at maging ang Filipinas sa pandaigdigang lebel. Siya ay nagsilbing top diplomat ng bansa nang manungkulan siyang Kalihim ng Ugnayang Panlabas.

Puwes, nakapagtataka pa ba kung bakit pinili rin siya ng mga Filipino?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *